Home Headlines Tricycle driver timbog sa P870-K shabu

Tricycle driver timbog sa P870-K shabu

1391
0
SHARE

Ang suspek na si Buyok habang iniimbestigahan sa himpilan ng Balagtas police 


 

BALAGTAS, Bulacan — Arestado ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng P870,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya madaling araw ng Biyernes.

Nakilala ang suspek na si Candido Clemente alyas Buyok, 39, residente ng Barangay Borol 1st, na ayon kay Balagtas chief of police Maj. Ronie Pascua ay nasa drug watchlist ng PDEA at PNP.

Ang mga sachet ng hinihinalang shabu na nakuha mula sa suspek. Mga kuha ni Rommel Ramos

Ikinasa ang operasyon laban kay Buyok at nakuha dito ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 128 gramo na may street value na P870,000, weighing scale, at buy-bust money.

Ayon naman sa suspek, nangailangan kasi siya ng panggastos para sa kanyang anak at pinagsisisihan niya ang nagawang pagkakamali.

Nakapiit sa Balagtas police detention cell ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Art II ng RA 9165.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here