Tricycle binangga ng mini-bus, 2 sakay patay

    369
    0
    SHARE

    BALANGA City – Dalawang manggagawa ang patay matapos mabangga ang sinasakyan nilang tricycle ng isang pamasaherong mini-bus sa bahagi ng Roman Superhighway sa lungsod na ito Sabado ng umaga.

    Kinilala ang mga biktima na sina Francis Ortiz, ng Cabog- Cabog, Balanga at driver ng tricycle at kasakay nitong si Roger Perez ng Malabia sa Balanga City rin.

    Papasok sa trabaho ang dalawa at paliko na ang tricycle sa entrance ng kumpanya nila nang mangyari ang sakuna.

    “Galing doon ang mini-bus at patawid naman ang tricycle. Iksaktong patawid, nadumog at kinaladkad ito ng mini-bus,” sabi ni Angelito Navarro, may-ari ng vulcanizing shop na katabi ng pinangyarihan ng banggaan.

    Galing sa bahagi ng Dinalupihan ang mini-bus at sa Balanga naman ang tricycle. KInaladkad ng mini-bus ng halos may 50 metro ang tricycle kaya wasak na wasak ito. Walang nasaktan sa mga sakay ng mini-bus na nagkaroon ng sira sa unahang bumper at windshield.

    Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya. Pansamantalang nakapiit ang driver ng mini-bus na si Arnold Garcia, 49, ng Dinalupihan, Bataan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here