Home Headlines Tricycle balik-pasada sa pagsisimula ng MECQ

Tricycle balik-pasada sa pagsisimula ng MECQ

1729
0
SHARE

NORZAGARAY, Bulacan — Balik-pasada na ang ilang tricycle driver sa bayang ito sa unang araw ng pagsasailalim ng lalawigan sa modified enhanced community quarantine.

Umaga ng Sabado, ilang oras matapos mabatid ang anunsyo sa MECQ ay maaga nang nakapila sa isang terminal sa kabayanan ang mga driver at kumukuha na ng mga pasahero.

Maagang pumila sa terminal ang mga tricycle drivers na ito sa para simulan muling makapaghanap-buhay sa pagsisimula na MECQ. Kuha ni Rommel Ramos

Ayon sa tricycle driver na si Alberto Ignacio, matapos ang halos dalawang buwan na natigil sila sa pasada ay nagpapasalamat sila dahil kahit papaano ay nakabalik na muli sila sa byahe.

Bagamat aminado na liliit ang kita sa pasada dahil sa limitadong bilang ng pasahero sa ilalim ng MECQ ay mas mainam na aniya na magbanat ng sariling buto kaysa umasa sa ayuda.

Gayundin naman ang driver na si Loreto Bascones, na batid na maliit ang kita dahil paisa-isa lamang ang dapat na isakay na pasahero ay mas mainam naman daw ito kaysa walang hanapbuhay.

Hinaing nga niya na sa loob ng halos dalawang buwang lockdown ay wala siyang natanggap na ayuda maliban sa relief goods kayat labis ang tuwa ng makapamasada sa ilalim ng MECQ.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here