Home Headlines Travel restriction sa magmumula QC planong ipatupad sa Arayat

Travel restriction sa magmumula QC planong ipatupad sa Arayat

862
0
SHARE

Si Arayat Mayor Emmanuel Alejandrino nang makapanayam ng Punto! Kuha ni Rommel Ramos



ARAYAT, Pampanga — Posibleng magpatupad ang lokal na pamahalaan ng Arayat ng travel restrictions sa
mga magmumula ng Quezon City kaugnay ng kaso ng new variant ng Covid-19 sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Mayor Emmanuel Bon Alejandrino na ang pagpapatupad ng travel restrictions ay magdedepende kung madadagdagan pa ang kaso ng new Covid-19 variant sa Q.C.

Aniya, kung mas tataas pa ang kaso doon ay agad silang kikilos upang protektahan ang bayan ng Arayat para hindi mapasukan ng new variant. Pero kung hindi naman tataas ang kaso ay posibleng hindi na nila ipatupad ang paghihigpit.

Binigyang diin niya na kung sakaling ipatupad ay hindi naman nila pagbabawalan ang mga magmumula sa Q.C. na makapasok sa kanilang bayan bastat may maipakita ang mga ito na medical certificate at negative result ng coronavirus test.

Ani Alejandrino, ito ay ipatutupad maging sa mga residente ng Arayat na nagtatrabaho sa Q.C. na kinakailangan ding magpakita ng medical certificate at negative result ng Covid-19 test para payagan na makabalik ng kanilang bayan.

Payo niya sa mga residenteng hindi makapagpakita ng mga nasabing dokumento na manatili na lang muna sa kani-kanilang mga trabaho sa Q.C.

Dahil dito ay humihingi rin si Alejandrino ng paumanhin kay Q.C. Mayor Joy Belmonte at iginiit na hindi ito diskriminasyon kundi pag-iingat lamang laban sa naturang sakit.

Dati naman na daw silang nagpapatupad ng travel restrictions at napapababa nila ang mga kaso ng coronavirus sa Arayat.

Kaugnay nito ay pagsusumetihin din daw niAlejandrino sa lokal na pamahalaan ng Q.C. ang mga residente ng Arayat na nagtatrabaho sa lungsod ng medical certificates at Covid test results para ipakita din na hindi sa kanila nagmumula ang pagkalat ng sakit.

Samantala, pabor naman ang ilang mga residente sa naging hakbang ng kanilang LGU at para rin ito sa kanilang kaligtasan upang hindi na kumalat pa ang bagong strain ng virus.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here