Home Headlines Transformation Program para sa mga dating rebelde sa Aurora, ibinalangkas

Transformation Program para sa mga dating rebelde sa Aurora, ibinalangkas

481
0
SHARE

BALER, Aurora (PIA) — Pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang pagdaraos ng dalawang araw na workshop upang balangkasin ang Transformation Program (TP) para sa mga dating rebelde sa lalawigan ng Aurora.

Ito ay dinaluhan ng nasa 50 indibidwal kabilang na ang mga kinatawan ng mga ahensya at lokal na pamahalaan at mga dating rebelde.

Ayon kay Acting Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Isidro Purisima, kagustuhan ng kasalukuyang administrasyon na ipagpatuloy ang whole-of-nation approach kasunod ng magandang mga resulta mula ng ipatupad ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) noong 2018.

Binigyang diin din ni Purisima na inaatasan ng NTF-ELCAC ang bawat lalawigan  na magkaroon ng peace framework, alinsunod sa mabuting pamamahala at matibay na institusyon, na siyang namang inaasahan na mabubuo sa pamamagitan ng TP workshop.

Dinaluhan ni Acting Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Isidro Purisima ang Transformation Program workshop sa lalawigan ng Aurora. (OPAPRU)

Ang unang araw ay inilaan sa paghahati ng mga kalahok sa mga kategoryang Safety and Security, Healing and Reconciliation, at Socioeconomic upang pakinggan ang hinaing, isyu, at mga balakid na nagpapahina ng people’s organization na kinabibilangan ng mga dating rebelde.

Matapos mangalap ng mga pananaw, inilatag ng mga ahensya ang mga programa at proyekto gayundin ang mga maaari pang maging hakbang upang tumugon  sa mga pangunahing isyu sa bawat kategorya.

Bilang pagtatapos na bahagi, lumagda ng Commitment of Support para sa TP ang mga kalahok. (CLJD/MAT-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here