Home Headlines Training facility ng PCG binuksan

Training facility ng PCG binuksan

703
0
SHARE

BALAGTAS, Bulacan — Binuksan ng Estados Unidos at Pilipinas ang isang bagong maritime training facility na magagamit ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsasanay na pag-ibayuhin ang kanilang workforce.

Pinangunahan nina US Embassy Deputy Chief of Mission John C. Law, Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) Admiral Elson E. Hermogino at Deputy Director ng Joint Interagency Task Force-West (JIATF- W) Earl Hampton ang unveiling ng pasilidad na tinawag na Outboard Motor Center of Excellence.

Ito ay binubuo ng mga classrooms, barracks at outboard motor maintenance laboratory na tinayo sa ilalim ng local contract na pinamahalaan ng U.S. Naval Facilities Engineering Command.

Ang pasilidad ay isang joint project sa pagitan ng PCG, US Coast Guard, JIATF-W, Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) at ng US Department of State Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs.

Noong nakaraang taon, ay hindi bababa sa 40 tauhan ng PCG ang ipinadala sa US Coast Guard Training School sa Virginia upang sumailalim sa iba’t ibang martime courses.

Sa taong ito, maglalagay ang Pilipinas ng isang mobile training team sa bagong training facility na ito sa Bulacan para sa trainors training sa mga piling kagawad ng PCG.

Samantala, nasa 300 aluminum boats at 50 rubber boats ang ipapakalat ng PCG bilang mga frontline unit nito sa maritime patrol at search and rescue operation sa buong bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here