Home Headlines Trade fair binuksan bilang bahagi sa paggunita ng Araw ng Kagitingan

Trade fair binuksan bilang bahagi sa paggunita ng Araw ng Kagitingan

381
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga: Binuksan ang isang trade fair ng Provincial Cooperative Enterprise Development Office at ng provincial Tourism Office bilang bahagi sa paggunita ng 83rd  Araw ng Kagitingan.

Tampok sa trade fair ang mga de-kalidad na local na produkto mula sa 11 bayan at isang lungsod ng Bataan. 

Bukas  ang Kagitingan Trade Fair sa Capitol grounds sa  Balanga City mula Abril 7 hanggang 9.

Hinihikayat ni Gov. Jose Enrique Garcia 3rd ang lahat na suportahan ang mga lokal na negosyo at maging bahagi ng pagpapalago ng kabuhayan at kultura sa lalawigan.

Kasama sa ribbon cutting ceremony sina Isabel Garcia,  chairperson ng Bataan Peninsula Tourism Council Foundation, Inc.,  Congresswoman Gila Garcia ng third district  at may-ari ng PULO Handicrafts Manufacturing na si  Ana Patricia Bernardo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here