Trabaho muna bago V-date, payo ng miltante kay PNoy

    324
    0
    SHARE

    Pinayuhan ni Erlinda Cadapan si PNoy na unahin ang pagbibigay katarungan sa kanilang anak, kaysa makipag-date kay Grace Lee sa nalalapit na Valentine’s Day. Kuha ni Dino Balabo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Trabaho muna bago ang Valentine’s date.

    Ito ang payo ng mga kasapi ng militanteng grupo kay Pangulong Benigno Aquino III na umaming nakikipag-date na sa celebrity broadcaster na si Grace Lee.

    Ayon kay Erlinda Cadapan, ina ni Sherlyn Cadapan, isa sa dalawang mag-aaral ng University of the Philippines (UP) na dinukot sa bayan ng Hagonoy noong 2006, matagal na silang naghihintay ng katarungan.

    “Parang hindi kami naririnig ng Malakanyang, dahil abala si Pangulong Aquino sa pagpaplano ng kanyang Valentine’s date,” ani Cadapan patungkol sa balitang may namumuong relasyon sa pagitan ng Pangulo at ni Lee na isang Koreana.

    Inayunan naman ito ni Abogado Edre Olalia, ang tagapagsalita ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL).

    “While we do not deny him of his private life, we urge the President to pay more attention to cases of human rights in the country,” ani Olalia.

    Iginiit niya na ang panawagan ng NUPL kay Aquino ay isang pahiwatig na dapat mas bigyang prayoridad ng Pangulo ang usapin sa karapatang pantao, bago ang usapin ng puso.

    Matatandaan noong nakaraang linggo ay inamin ng binatang si Aquino at dalagang si Lee sa mga mamamahayag na nagde-date na silang dalawa.

    Ang balitang ito ay namayagpag sa mga pahina ng mga pahayagan at maging sa telebisyon.

    Ngunit para sa mga nananawagan ng katarungan matapos maging biktima ng pag-abuso sa karapatang pantao, mas nararapat na unahin ng Pangulo ang trabaho para sa kanyang sinumpaaang tungkulin. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here