Sort of demotion nga ba kay Mike Tan yung dati na siyang bida sa primetime, ngayon ay nasa afternoon time na naman siya?
Sa presscon ng “Faithfully,” sinita si Mike Tan, “nasa primetime show ka na in ‘Legacy,’ tapos binalik ka na naman ngayon sa hapon at ni hindi ikaw ang pinakabida kundi si Marc Abaya dahil siya ang pinag-aagawan ng leading ladies n’yo rito,” they tell him.
“No problem with me kahit sa hapon uli ang show ko,” sagot niya. “Ang importante, tuluy-tuloy ang trabaho ko.
‘Di pa natatapos ‘yung isa, may kasunod agad. Hindi rin issue for me kung si Marc ang pinag-aagawan dito. Mas magwo-worry ako kung mawalan ako ng show dahil marami kong binabayaran ngayon.
Una na ‘yung condo units na kinuha ko for me and my family. At ako, kahit anong show or role ang ibigay sa’kin, basta I make sure I give my 100 percent effort and cooperation sa lahat ng projects ko.”
Tama!