DREAM COME TRUE para kay Toni Gonzaga ang makatrabaho ang magaling na direktor na si Olivia Lamasan pati na rin ang maging leading lady ni Piolo Pascual.
Sa presscon ng Starting Over Again na ginanap last Saturday night ay inamin ni Toni na kinapalan daw niya ang mukha niya at nagsabi kay Direk Olive na gusto niya itong makatrabaho.
“Hindi ko po makakalimutan ’yun, nung 2012, nang mag-victory party ang This Guy’s In Love With You Mare, kinapalan ko na ’yung mukha ko. Sabi ko, ’pag pinagsalita ako dito, sasabihin ko na ’yung gusto ko.
“Sabi ko, ‘Inang (tawag kay Direk Olive), sana po, bago matapos ang career ko, makatrabaho ko kayo.’ Sabi ko sa kanya in 2012. “Tapos, nu’ng December Christmas Special, sinabi ni Tita Malou (Santos, head ng Star Cinema), ‘o, makakatrabaho mo si Inang.’
Tapos, nu’ng sinabi niya na makakatrabaho ko pa si Piolo, napatalon ako. Tumatalon talaga ako sa may Araneta, sa rehearsal. Sabi ko, ‘hindi nga?’” kuwento ni Toni.
Alam naman daw niyang hindi talaga sure ang isang project hangga’t hindi sila nagsisimulang mag-shooting kaya talagang hinintay niyang dumating ang araw na matuloy ito.
Matagal-tagal din bago natuloy ang proyekto. Lumipas pa ang ilang buwan. At may kuwento si Toni sa first day ng shooting nila.
“Nu’ng first day, hindi yata ako nakatulog nu’ng gabi. Ganung-ganu’n din ako nu’ng first time ko siyang makakatrabaho (noong 2001 sa softdrinks commercial), hindi ako makatulog kasi, inisip ko first major commercial ko ’yun tapos may makakasama akong malaking artista, kinakabahan ako.
“Ganu’n na ganu’n din nu’ng fi rst day ng shooting namin. ’Di ako makatulog, ’di ako mapakali, kasi parang feeling ko nagsisimula ulit ako kasi I started out as a fan of Piolo Pascual and then, iba ’yung feeling na makakatrabaho mo siya na kapareha mo siya sa pelikula.
“I think, talagang the project came at a right time and it was really worth the wait,” sabi ni Toni. Ang hindi raw niya makakalimutan kay Piolo mula noong una niya itong makatrabaho hanggang ngayon ay ang pagka-humble ng aktor.
“Hindi ko makakalimutan nu’ng fi rst time ko siyang makatrabaho kasi hanggang sumakay na ako ng kotse, pauwi na kami, sabi ng daddy ko, ‘’yan ang gagayahin mo, si Piolo Pascual, kahit malaking artista, pumipila sa catering, humble, down-to-earth.’
“First time ko siyang makatrabaho, humble na siya at hanggang ngayong nakatrabaho ko ulit siya, humble pa rin siya. ’Yun ang isang hindi ko makakalimutan sa kanya,” she said.
Naungkat sa presscon ang pagkaka-link nila before and alam naman sa showbiz talaga na for a time ay talagang nanligaw si Piolo kay Toni. Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit hindi ito natuloy sa isang relasyon.
Inamin naman ni Piolo na lumabas sila talaga noon ni Toni. “Lumabas kami, I remember nanood kami ng concert ni Kuya Gary (Valenciano) sa Araneta. But right there and then, I realized and I told to myself that it’s too unfair para harangin mo or pigilan mo ang pangarap niya to become a certified actress.
“I knew na ang gusto niya, makilala muna bilang Toni Gonzaga at kata-transfer lang niya dito sa ABS-CBN. So, nagparaya tayo, kumbaga,” sabi ni Piolo.
Nang mahingan ng reaksyon si Toni tungkol dito, aliw ang lahat sa sagot niyang hindi raw niya alam kung bakit nagparaya si Piolo.
Pero aniya, at that time ay more on hiya ang namamayani sa kanya dahil napakalaking artista na raw ng aktor noon pa man at parang hindi raw kapani-paniwala na magkakagusto ito sa kanya.
Samantala, sa trailer pa lang ay napakarami nang positive feedback ng pelikula at say nga ni Toni, Starting Over Again isn’t just a fi lm but a masterpiece from “The” Olive “Inang” Lamasan.
Showing na sa Feb 12 ang movie bilang Valentine offering ng Star Cinema at kasama rin dito sina Iza Calzado, Joross Gamboa, Beauty Gonzalez, Bryan Santos, Kai Cortez at marami pang iba.