MARAMI ANG kumakantiyaw ngayon kay Toni Gonzaga dahil naunahan pa siya ng best friend niyang si Bianca Gonzales na maging engaged samantalang siya talaga ang noon pa tinatanong kung kailan sila pakakasal ng long-time boyfriend niyang si Direk Paul Soriano.
As we all know, nag-propose na ang boyfriend ni Bianca na si JC Intal kamakailan. This year na sila haharap sa dambana.
Pero say ng TV host-actress, happy siya for Bianca. At kung siya ang tatanungin, hindi siya napi-pressure na kailangan ay magpakasal na rin sila ni Paul.
“Akala nga nila ako ’yung mauuna sa aming tatlo. Nararamdaman ko na ako ’yung last. Darating tayo doon.
Nararamdaman ko rin naman siya, pero ayaw ko i-rush,” sabi ni Toni sa panayam sa ABS-CBN news.
Say pa niya, naghihintay lang siya for God’s perfect time. Basta excited daw siya sa kasal ng kaibigan.
“Kahit wala akong participation, kahit mag-attend lang ako, sabi ko kay Bianca, gustung-gusto ko lang makita na pagbukas ng door, naka-gown siya na puti. Baka maiyak ako talaga,” she said.
“Si Bianca, hindi naman talaga ma-discuss na ‘I want to get married.’ So, nu’ng nangyari lahat ’yun, she deserves it. Even the way na nag-propose, sabi ko, deserving siya,” say pa ni Toni.
May mga nagsasabing nag-propose na rin sa kanya si Paul at say ni Toni, hindi niya itatago kung sakaling makatanggap siya ng proposal sa boyfriend. “It’s something na mahirap itago ng isang babae kasi when you have so much joy in your heart, you want to share it. Ayaw mo naman ipagkait ang kaligayahan na ’yun sa mundo.
“Sabi ko nga kay Bianca nakakatuwa kasi she’s really a host and a career woman, so hindi siya talaga nagpipelikula, so, for her to experience that kind of proposal, parang naramdaman na rin niya what it’s like to be in the movies,” pahayag pa ni Toni.