Mula sa bibig ni Mrs. Soriano, she beams in saying “marriage is a commitment at ang nagmamahal ay hindi marunong mapagod. Everyday, I strive to please my husband more. Next kay Lord ay siya ang aking priority”.
Of course, sabik na silang magka-baby pero definitely not this year. For one reason or another (feng shui, perhaps?) hindi niya feel ang isilang ang bata this 2016. Early 2017 ang target nila at wish pa nga ng partido ng mga Soriano ay kambal ang gusto nila.
Meaning, pwedeng-pwede pang gumawa ng teleserye si Toni na kanya na ngang nasimulan. Ang pamagat ay Written In Our Stars with Piolo Pascual at Sam Milby with support from Sarah Lahbati at Jolina Magdangal.
Paul on one hand is about to direct a movie na pagbibidahan ni Enrique Gil.