LUNGSOD NG MALOLOS – Maraming nagtatalumpati ang kinaiinipang matapos, ngunit ito’y taliwas kapag ang 89-taong gulang na dating gobernador ng Bulacan na si Tomas Martin ang nagtalumpati.
Pinananabikan ang bawat salitang namumutawi sa kanyang labi at ang bawat nakikinig sa kanya halos gumulong sa katatawa.
Ito ay dahil hindi pa rin kumukupas ang kanyang galing sa pagtatalumpati kung saan ay masasalamin ang kanyang mga napapanahong komento at pananaw.
Ang kagalingang ito ng dating gobernador ay muling ipinamalas noong Pebrero 3, Huwebes sa bakuran ng kapitolyo kung saan ay isinagawa ang paggunita sa ika-84 na kaarawan ng yumaong dating Senador Blas F. Ople, na katulad ni Martin at ng kasalukuyang Gob. Wilhelmino Alvarado ay nagmula sa bayan ng Hagonoy.
“Bago ako magtapos sa aking mensahe,” bungad ni Martin sa kanyang talumpati na tinugon ng tawanan at palakpakan ng mga tagapakinig.
Ito ay pasimula lamang ng kanyang talumpating umabot ng halos 16 na minuto, na ang bawat pangungusap ay umaliw sa kanyang mga tagapakinig.
Ngunit ang mensahe ni Martin ay hindi lamang nagpatawa sa kanyang mga tagapakinig sa araw na iyon.
Ang totoo, makahulugan ngunit simple ang kamyang talumpati kung saan mababakas ang kanyang malawak na pananaw na naka-ugnay sa kasalukuyang panahon.
“Ibang klase talaga, magaling,” ani Provincial Administrator Jim Valerio.
Simple ang basehan ng paghanga ni Valerio kay Martin na ipinakilala ni Bokal Felix Ople bilang “Pilosopo Tasyo” ng Hagonoy.
Ito ay dahil sa walang kinikilingan ang pananalita ni Martin kung saan maging ang mga taong nag-imbita sa kanya ay hindi niya pinangilagang batikusin.
Ngunit dito mababakas ang pagiging henyo ni Martin sa pagtatalumpati dahil na rin sa habang bumabatikos siya ay tawa pa ng tawa ang taong kanyang pinatutungkulan.
Isa rito ay ang pamunuan ng Provincial Youth, Sports, Education Arts and Culture Office (PYSEACO).
“Hanggang dito na lang ang pagsasalita ko, nagugutom na ako dahil hindi pa ko kumakain,” ani ng dating gobernador dahil na rin sa bago magsimula ang palatuntunang itinakda sa ganap na alas-8 ng umaga ay nandoon na siya, ngunit ang palatuntunan ay nagsimula pasado alas-9 at ng magtalumpati siya ay halos alas 10 na ng umaga.
Sa edad na 89, si Martin ay maagang kumakain ng agahan, ngunit hindi siya nakapag-agahan noong araw na iyon dahil maaga niyang nilisan ang kanyang bahay sa Hagonoy upang makarating sa takdang oras sa kapitolyo.
Maging si Gob. Alvarado ay hindi rin nakaligtas sa matalas ngunit nakakaaliw na komentaryo ni Martin.
“Wala ba kayong napapansin kay Gob. Alvarado, nananaba,” ani Martin na tinugon ng malakas na tawanan.
Ngunit mas malakas ang sumunod na tawanang umugong ng bitiwan niya ang mga katagang “kakakain ng walang bayad” na maging si Alvarado at napatawa ng malakas.
Sa kanyang talumpati, sinabi Martin na hindi niya matawag na “Ka Blas” si Ople dahil mas matanda siya sa dating senador, ngunit “mas mukha naman siyang matanda sa akin.”
Bilang kababayan, ipinagmalaki niya si Ople na isang huwarang lingkod bayan at hindi nabahiran ng anomalya dahil sa tapat na paglilingkod.
Pinatunayan din ng dating gobernador na siya ay laging nakasubaybay sa mga balita ng sabihin niya na si Ople ay di katulad ng ibang opisyal ng gobyerno na matapos ang paglilingkod ay nababalitang may iniuwing “pabaon” patungkol sa mga akusasyon sa mga heneral na kumuha ng pondo ng pamahalaan.
“Yung iba, kapag umalis sa gobyerno ay tiyak na may pabaon, mayroon pang naglalakihang oto (sasakyan),” ani Martin at pabirong binalingan si Alvarado.
“Pero kapag si Willy ang nakatapos sa panunugkulan, hindi lang oto sasakyan paalis ng kapitolyo, baka eroplano pa,” aniya na muli ay tinugon ng tawanan.
Agad din niyang sinalo ang kanyang pahayag na hindi mangyayari iyon dahil sa “naniniwala ako na tapat sa paglilingkod si Willy.”
Nakahalintulad din ng isang propeta ang sumunod na pahayag ni Martin na, “at matatapos nito ang siyam na taong termino, hindi pa ipinapanganak ang tatalo kay Alvarado, siyam na taon ninyong magiging gobernador si Willy.”
Binanggit rin niya ang kanyang tanging kahilingan patungkol kay Alvarado,” hiling ko lang ay buhay pa ako sa pagtatapos ni Willy ng siyam na taon bilang gobernador.”
Sa edad na 89 na taong gulang, muli ay kanyang binanggit ang lihim ng kanyang mahabang buhay, “wala akong planong mamatay at hindi ako nangurakot.”
Sa kanyang pagtatalumpati, inaliw din niya ang kanyang mga tagapakinig sa paglingon sa nagdaang panahon.
“Noong una akong kumandidatong Bokal, tinukso ako ng mga bata sa San Ildefonso na “kalbo, kalbo, kalbo” dahil ako ay kalbo, pero sabi ko sa kanila baligtarin ang kalbo at iboto akong Bokal,” ani Martin.
Ikinuwento rin niya na noong dekada 50 ay dalawa lamang ang Bokal sa lalawigan, ngunit ngayon ay” sampu na, may kasama pang tatlong Hudyo,” patungkol sa mga kinatawan ng mga Kapitan ng Barangay, Konsehal ng mga bayan at lungsod, Sangguniang Kabataan sa Sangguniang Panlalawigan (SP).
Ang tatlong huling posisyon ng mga kinatawan ay karagdagan sa 10 regular na posisyon ng Bokal sa SP. Ang mga ito ay tinatawag ding “ex-officio members.”
Ayon kay Martin, noong siya ay Bokal, P25 lamang ang kanilang tinatanggap mula sa kapitolyo sa bawat sesyon.
Dalawa ang sesyon nila noon bawat linggo, kaya’t P50 ang kanilang tinatanggap bawat linggo at P200 bawat buwan na ayon sa kanya ay “kulang pang pamasahe ngayon.”
Sa kanyang paghahayag ng kalagayang ito ay pinasaringan niya ang mga kasalukuyang Bokal sa SP kung saan ang ilan ay napabalitang humihingi ng malaking halaga sa gobernador na diumano ay gagamitin ng mga Bokal bilang “community development fund.”
Ayon kay Martin, ang paglilingkod sa pamahalaan sa kanyang panahon ay nangangahulugan ng sakripisyo, ngunit ngayon ay iba na at ayon sa ilang tagamasid, ito ay isa nang negosyo.
“Noong panahon namin, kapag umakyat ka sa kapitolyo ng naka-de-ilo, pagbaba mo ay naka-karsunsilyo ka na lang,” ani Martin.
Si Martin ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Manila University at sa murang edad ay nahalal na Bokal noong 1950 kasama ni dating Gob. Alejo Santos at yumaong Bokal Magtanggol Guigundo.
Noong 1954, nahalal siya bilang senior board member at pinalitan si Santos noong 1957 bilang gobernador matapos itong italaga sa War Reparation Commission.
Noong 1958 nahalal si Martin bilang unang gobernador na nagmula sa bayan ng Hagonoy, matapos talunin si dating Kinatawan Erasmo Cruz ng Bocaue.
Noong 1961, tinalo si Martin ni Jose Villarama ng Guiguinto sa labanan bilang gobernador, at mula noon ay hindi na siya nagbalik sa pulitika.