Tom Rodriguez tagahanga ni Manny Pacquiao

    357
    0
    SHARE
    GAYA ng maraming Pilipino at iba pang boxing fans sa buong mundo, siguradong lalong humanga ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa tibay at tapang ng puso’t paglaban na ginawa ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Battle for Greatness bout nila ni Floyd Mayweather sa Las Vegas nu’ng Linggo, kung saan nga nagwagi ang huli via unanimous decision.

    Sa interbyu kay Tom nang mag-guest sila nina Dennis Trillo at Kris Bernal sa Kapuso Night ng GMA-7 sa katatapos na Bangus Festival sa Dagupan, Pangasinan, sinabi nitong big fan siya at ang kanyang buong pamilya ng People’s Champ.

    “We are all very happy and very proud of him,” ani Tom, sabay sabing, “’Wag siyang (Manny) padadala sa pressure siguro ng expectations of the Filipino people.

    As long as he does his best, that’s more than enough for all of us.

    “I think he’s brought us more than enough pride and glory. I don’t think we can ask for anything more from him.”

    Tagahanga na raw siya, ang daddy niya at mga kapatid ni Pacquiao mula pa nu’ng nagsisimula pa lang ito bilang undercard boxer. ’Yun nga lang, never pa raw silang nakapanood ng laban nito nang live, lagi lang pay-per-view.

    Kasa-kasama nga ni Tom ang parents niya sa Dagupan, dahil nasa bansa ang mga ito ngayon para magbakasyon at dalawin siya.

    “It’s been a lot of fun,” anang Kapuso actor, “we’ve been spending a lot of time together kahit sa condo lang… it’s very precious. I last saw them in LA, during the Kapusong Pinoy sa LA. But the last time they were here was in 2000. Ngayon lang uli sila nakauwi.”

    Dapat daw, si Tom ang lilipad pa-Arizona ngayong Mayo para dalawin ang mga magulang niya. Pero dahil may bago siyang project sa GMA-7, minabuti niyang mag-stay kaya ang parents na lang niya ang umuwi rito.

    Dinenay ni Tom ang tsikang tsinugi siya sa cast ng Beautiful Stranger nina Lovi Poe at Heart Evangelista.

    Aniya, “It wasn’t even proposed to me. ’Yung sinabi ni Popoy (Caritativo, manager niya) sa akin, may show daw that will start late May pero June ang airing. Wala, eh, ’di pa sinabi kung ano. So, suspense mode muna.”

    Sa ngayon, ang pinag-kakaabalahan ni Tom ay ang pelikulang Crossroads sa ilalim ng Star Cinema at ang No Boyfriend Since Birth ng Viva Films, kung saan makakasama niya ang nali-link sa kanyang si Carla Abellana.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here