SI TOM RODRIGUEZ na naman ang pang-akit ng isang clothing company para sa back to school campaign nito pagdating sa isusuot na underwear. Habang nasa New York City ang aktor, inilabas naman ng kumpanya ang sexy pictorial ni Tom na siyempre pa, nagmumura na naman ang bukol!
Mas mapangahas ang pictorial ngayon ni Tom dahil sa summer campaign ng nasabing kumpanya, pahirapan pa ng pagsilip sa pagkalalaki ng aktor.
This time, naaaninag na kahit paano ang tambok nito. Kumpara nga sa kanyang “bhe” na si Dennis Trillo, mas matapang sa aspetong paghuhubad si Tom. Nagawa na niya ang magsuot ng brief sa movie niyang Temptation Island.
Red underwear ang suot niya. Nang tanungin nga namin siya noon kung daks (malaki) ba ang notes niya, tugon ni Tom, “May lahi yata akong Amerikano, hahaha!”
Take it ba from there.