at sa ‘social media’ nababasa ngayon,
ating napagtanto na ang impormasyon
hinggil kina De Lima at Chairman Gascon
Ng Senate at nitong CHR, matinding
panlilinlang at paglubid ng buhangin
ang naging pahayag nilang kukuwestyonin
ng ICC ang ‘extra judicial killings’
Na kaugnay ng mabangis na kampanya
ni Duterte kontra illegal na droga;
Na kung saan itong ICC kumbaga
ay ‘International Court’ (na panakot ba?)
Laban kay Pangulo upang kaipala
ay ihinto itong haya’t patuloy nga
na paghalukay ni Digong ng himala,
kung saan si Leila ay dapat igisa?
Sanhi ng siya mismo ay direktang sangkot
diumano sa isyu ng droga sa loob
ng Bilibid Prison (kaya ang pagkilos
ni Madam sa ngayon may halong panakot?)
May kapangyarihan ba o ‘legal stand’
ang ‘International Criminal Court’ na yan
upang basta na lang n’yan panghimasukan
si Digong sa ‘anti-drug’ na pinairal?
Manapa ang gawin ni Leila de Lima
ay huwag nang kung ano ang sinasabi pa
laban kay Duterte, kundi ang gawin niya,
sa Senate Inquiry – (kung saan ay Chair siya?)
Mas makabubuting magbitiw nang kusa
(Por delikadesa) kasi kabilang nga
sa ‘Senate Inquiry’ marapat igisa
ang Senadora sa madaling salita.
Linisin muna niya dapat ang sarili
bago sa ganitong klase ng “Inquiry”
makisawsaw itong dating Secretary
ng DOJ upang siya’y maging mapuri.
Dala na rin nitong sa tingin ng masa
ay hindi marapat na mag-imbistiga
sa kapwa may isyu rin ng anomalya,
itong katulad nga ni Madam De Lima.
Kaya tama lamang ang naging opinion
ng isang butihin din namang Senador,
na dapat ay kusang mag-‘inhibit’ itong
si Leila De Lima (na kuntodo aksyon)
Kung umentra siya sa ‘Senate Inquiry’
Re: ‘extra judicial killings’ na nasabi,
Kung saan si “Bato” naman ay kampante
yan sa pagsalag ng tanong na matindi.
Palibhasa’y tama lang at makatuwiran
ang pagkilos laban sa ibinibintang,
na pagpatay basta nitong kapulisan
sa umano’y hindi naman nanlalaban;
Na nahulihan ng illegal na droga,
ng baril at saka ng ibang bawal pa,
na karaniwan nang itong kapamilya
ng mga napatay, sigaw ay hustisya?
Sa puntong kung bakit lumala nang lubos
ang problema hinggil sa bawal na gamot,
ya’y dahil na rin sa ang direktang sangkot
sa ‘illegal drugs’ ay opisyal din halos
Nang nangakaraang umigit sa bansa,
na wala rin naman din yatang ginawa
kundi ang sa ating Kaban magpasasa,
habang ang marami ni makain wala?!