MALOLOS—Tiyaga at pagiging malikhain.
Ito ang dalawang katangiang nagsilbing puhunan ng mga Bulakenyong nagtaguyod sa kanilang mga dating libangan na ngayon ay umuunlad ng negosyo.
Ilan sa kanila ay sina Lourdes Cruz ng Guiguinto, Rheeza Hernandez at Gigi Garcia, at Luz Ocampo ng Malolos; Rosie Decasa ng Baliuag at Francisco Eligio ng Hagonoy.
Sa unang tingin ay masasabing pangkaraniwang mamamayaan lamang silang lahat, ngunit namumukod-tangi ang kanilang kakayahan na masasalamin sa kanilang pagiging matiyaga at pagiging malikhain.
Sinimulan nila ang kanilang sari-sariling negosyo na nag-ugat lamang sa kanilang mga dating libangan.
Si Cruz ay mahilig magdisensyo ng ibat-ibang bagay na pangdekorasyon sa bahay na nagmula sa mga bagay na hindi na ginagamit tulad ng tambo, busal, bulaklak at balat ng mais, dahon ng anahaw, at dahon ng niyog.
Kaya’t ng siya ay magbitiw sa pinaglilikurang kumpanya sa Laguna, may 10 taon na ang nakakaraan, itinayo niya ang KC Home Décor sa bayan ng Guiguinto.
Siyempre, ang kanyang mga produkto ay karaniwang likha ng kanyang malikhaing mga kamay na nilakipan ng pagtitiyaga.
Sa kasalukuyan, si Cruz ay nakapagbebenta na ng kanyang mga produkto sa Vietnam.
“Tiyaga lang at creativity ang puhunan ko,” aniya.
Halos nakakahalintulad ng mga produkto ni Cruz ang mga produkto nina Hernandez at Garcia ng Malolos Puni Art Group na nagsusulong ng sining ng paghahabi ng mga pinatuyo at kinulayang dahon ng niyog.
Ang puni ay isang matandang sining ng paglulupi, pagtitirintas at paghahabi ng dahon ng niyog upang makalikha ng mga laruang tulad ng ibon, isda, at maging mga tipaklong.
Ayon kay Hernandez, ang sining ng puni ang nasa likod ng malikhaing pagdidisensyo ng paggawa ng palaspas na karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa pagsisimula ng Semana Santa.
Hindi rin nakalalayo sa negosyo nina Cruz at ng Puni Art Group ng Malolos ang negosyo ng Decasa ng Baliuag kung saan sumilang at sumikat ang sombrerong buntal mahigit 100 taon na ang nakakaraan.
Ang sombrerong buntal ay ang produkto ng matiyagang paghahabi ng mga hibla ng buri palm.
Para sa matatandang maghahabi ng sombrerong buntal sa Baliuag, libangan lamang nila ang paggawi nito noong sila ay bata pa.
Inayunan naman ito ni Decasa, ang may-ari ng Baliuag Buntal Enterprises na nagbebenta ng sombrerong buntal sa ibayong dagat.
Para naman sa 88-taong gulang na si Luz Ocampo ng Malolos, hindi maaaring paghiwalayin ang tiyaga sa pagiging malikhain.
Si Ocampo ang itinuturing na buhay na alamat ng paggupit ng papel de Hapon na ginagamit na pambalot pastillas mukla sa bayan ng San Miguel.
Sa isang panayam, sinabi niya na una siyang natutong gumawa ng pastillas wrapper sa edad na 11-taong gulang, at hanggang ngayon ay gumugupit pa rin siya.
“Marami na ‘kong naturuan pero walang tiyaga ang mga bata ngayon, gusto ay magaan at madaliang trabaho,” ani Ocampo.
Sa panig naman ng 85-taong gulang na si Eligio na mas kilala bilang “Ka Kiko” sa bayan ng Hagonoy, nakagisnan na niya ang pagkakayas ng kawayan na ginagawang singkaban o arko kung piyesta.
Ngunit ang pagiging malikot ng kanyang isipan ang naghatid ng kanyang natatanging kontribusyon sa nakagisnang sining.
Mula sa mga arko, nagpatuloy sa pagkayas si Ka Kiko hanggang sa makalikha ng iba pang produkto tulad ng parol, lampshade, payong at mga pandekorasyon sa bahay.
“Kailangang malikot ang iyong isip at matiyaga para magtagumpay,” ani Ka Kiko.