Home Headlines Pundido ang Ilaw sa Susunod na Kalsada

Pundido ang Ilaw sa Susunod na Kalsada

108
0
SHARE

PARA SA isang mag-aaral na ngayon ay tumungtong na sa tersiaryo, mahirap ang

maghanap ng landas na tatahakin kung mahirap pa ring tumbukin ang daang nais pasukin.

Ngayong nasa huling semestre na ang mga nasa ikaapat na taon sa kolehiyo, anong kalsada na nga ba ang kanilang nais tahakin kung ang bansa na kanilang

kinabibilangan ay nagiging balakid sa magandang buhay na kanilang ninanais.

Bagamat may ilan na nagnanais munang magpahinga matapos ang kolehiyo, hindi

lahat ay may ganitong pribilehiyo. Para sa marami ang kanilang tagumpay ay agad na kailangang maging sakripisyo.

Marahil ang karamihan sa mga ito ay disenteng trabaho na naaayon sa kanilang

tinapos na kurso at may sweldong sasapat sa pang araw-araw na gastos ang kanilang hinahanap, isang suntok na yata sa buwan kung ito ay agaran nilang matagpuan lalo na sa lumolobong unemployment rate sa ating bansa.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), para sa taong 2024 umabot sa 96.2% ang bilang ng employment rate sa pilipinas subalit pumalo naman sa 3.6% o 194 million ang unemployed o walang trabaho na kung susumahin ay marami pa rin ang kinulang sa oportunidad.

Idagdag mo pa na halos karamihan sa mga kompanya o establisimyento na

naghahanap ng trabahante ay mas gusto ang empleyado na may karanasan na sa

trabaho kaya mas mababa ang tyansa na makapasok ang mga bagong graduate pa lamang.

Gayunpaman karamihan sa mga fresh graduates ay mas pipiliin subukan ang kapalaran sa ibang bansa para sa mas magandang oportunidad na naghihintay o mas mataas na sahod na mahirap lasapin sa pilipinas.

Katunayan ayon sa International Labour Organization noong 2024 maraming Overseas Filipino Workers (OFW) ang nakahanap ng komportable at patas na labor laws, maaasahang health insurance, at pagpapasahod na hindi pumapalya sa araw na itinakda.

Sa isang pag-aaral naman ng Health Insurance Provide, 52% ng mga Pilipinong Gen Z ay pinipiling magtrabaho sa ibang bansa para sa mas mataas na sahod at mas maayos na oportunidad.

Kahit na hindi madali ang mawalay sa mga mahal sa buhay, sakripisyo at pagtitiis ang puhunan para sa magandang kinabukasan.

Sa isang pag-aaral ng Vista Land International Inc. pangunahing kalaban ng mga OFW ay ang homesickness, ang pagliban sa mga importanteng araw at okasyon kahit na labag sa kalooban ay tinitiis pa rin na huwag umuwi para may maipadala sa pamilya.

Isa pang suliranin ng mga ito ay ang paninibago sa lengwahe o kultura ngunit kahit na ganun ay kailangan pa rin yakapin ang mga pagbabagong ito para tumagal sa landas na pinasukan.

Maaaring gumawa ng batas o lumikha ng programa ang gobyerno katulad na lamang ng siguradong trabaho o pag bibigay multa sa mga kumpanya na ayaw tumanggap ng fresh graduates. Tunay na nakatutulong ang kailangan upang masolusyunan ang mga suliranin na katulad nito, ang pagiging ‘consistent’ ng gobyerno sa mga batas o programa ay malaking tulong sa bawat isa.

Ang hirap sa pagdedesisyon ng mga bagong nagsipagtapos sa pagpapaikot ng

kanilang bagong mundo ay paniguradong hindi problema sa sarili o walang

kasiguraduhan ang pag iisip, sapagkat ang tunay na balakid ay ang sistemang hindi

nararamdaman na humahadlang sa plano at pahirap sa pangarap ng bawat isa patungo sa maganda at maginhawang kinabukasan.

Hindi lang sapat ang diploma kung ang sistema ay hindi hahandang sumalo sa mga

nadaragdagang nangangarap. Panahon na para ang gobyerno at pribadong sektor ay bumuo ng konkretong tulay–hindi lang papunta sa trabaho, kundi sa maginhawang kinabukasan.

(Punto’s Choice for Best Editorial in The Regina’s 6th Assumption Outstanding Campus Press Awards written by Stephanie Estrella of The Forefront, official student publication of Gordon College, Olongapo City)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here