Tindero ng paputok timbog

    409
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Dinakip ng mga kagawad ng Olongapo City PNP ang isang tindero makaraan itong maaktuhan na nagtitinda ng mga ipinagbabawal na paputok sa Barangay Barretto sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ryan Rodriguez, 39, residente  ng Sta Catalina, Lubao, Pampanga.

    Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang limang pakete ng 5-star na naglalaman ng 500 piraso, 20 plastic sets ng lusis, 50 piraso ng pop ultrama 5 at 13 kahon ng ultrama 5.

    Ang suspek ay nasa custody ng Police Station 6 ng Olongapo City Police Office (OCPO) at ipinagharap na sa kasong paglabag sa City Ordinance No. 63, Series of 2008, ang pagbabawal sa pagtitinda ng anumang uri ng paputok at ang paggamit nito.

    Kauganay nito, muling pinaalalahanan ng kapulisan ang publiko na mahigpit na pinaiiral ang nasabing ordinansa lalo na at nalalapit na ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here