Tindero, nabaril ng lady guard

    378
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY- Patay habang ginagamot sa hospital ang isang tindero nang maaksidenteng mabaril ito ng isang lady guard sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Tomas Arabit, 50, residente  ng No. 97, 14th St., Barangay Kalalake.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, magdu-duty na sana ang suspek na si Donna Lyn Moyano, 25, tubong Sta Cruz, Zambales ng St. Moriz Security Agency sa K7 Shooping Center at nang kukunin nito ang baril sa drawer ay nakalabit nito ang gatilyo at tamaan ng bala mula sa kalibre 38 ang biktima sa kanang dibdib.

    Ayon pa sa ulat walang malay ang biktima nang isugod sa James Gordon Memorial Hospital at dahil umano sa hindi kaagad ito nadala sa operating room, binawian ito ng buhay ilang minutong pananatili sa emergency room.

    Ang suspek ay nasa custody na ng Police Station 1 ng Olongapo City PNP at ipaghaharap ng kaukulang kaso.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here