Home Headlines Tindera positibo sa Covid, bagsakan ng gulay sarado

Tindera positibo sa Covid, bagsakan ng gulay sarado

1969
0
SHARE

Naglalagay ng barikada ang ilang tauhan ng gobyerno sa bahagi ng Sangitan Public Market. Kuha ni Armand Galang


LUNGSOD NG CABANATUAN – Maagang pinagsara ng kani-kanilang pwesto ang mga tindera sa Sangitan Public Market, ang pangunahing bagsakan ng gulay sa lungsod na ito ngayong Biyernes.

Ayon sa Cabanatuan City information and tourism office, pansamantalang hindi bubuksan bukas ang pamilihan upang bigyang-daan ang disinfection matapos isang tindera dito ang nag-positibo sa coronavrus disease.


Ang pasyente na inilista bilang Patient 90 ay residente ng Barangay Magsaysay Norte na nakasasakop sa malaking bahagi ng pamilihan.

“Upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus, magsasagawa ng disinfection sa buong palengke ng Sangitan. Dahil dito, ipinagbibigay-alam po sa lahat na pansamantalang isasarado ang Sangitan Public Market hanggang bukas, ika-11 ng Hulyo,” pahayag ng city information office.

Makapananghali pa lamang nitong Biyernes, ang araw kung kailan nakumpirma na tinamaan ng Covid-19 ang 49-anyos na tindera, ay nagpadala na sa pamilihan ng kawani ang lokal na pamahalaan upang ipaunawa kung bakit kailangan itong isara at i-disinfect.

Isang eskinita sa paligid nito ang pansamantala ring isinara.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here