Batay sa salaysay ng magkapatid na biktimang sina Rosita at Erlinda Martin, residente ng Purok 1, Barangay New Cabalan, naghihiintay sila ng masasakyang jeep nang mula sa kanilang likuran ay sumulpot ang dalawang suspek at saka nagdeklarang “hold up” kung saan tinangay ang shoulder bag na naglalaman ng dalawang cellphone at pera na nagkakahalaga ng P20,000.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Police Station 4 ng Olongapo City at inaalam kung may naka installed na CCTV sa lugar na maaring tumukoy sa pagkakakilanlan ng mga suspek.