Home Headlines Tindahan ni Maria: Ayuda sa nagsarang sari-sari store dahil sa ECQ

Tindahan ni Maria: Ayuda sa nagsarang sari-sari store dahil sa ECQ

1840
0
SHARE

Isa si Emar Cadasa sa nabiyayaan ng “Tindahan ni Maria” program para libreng puhunan at grocery items ng sari-sari store sa San Jose Del Monte. Mismong si SJDM Rep. Rida Robes ang nagbigay ng ayuda mula sa kaniyang dalawang buwan na sweldo bilang mambabatas. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine
ay maraming mga sari-sari store dito ang natigil sa negosyo dahil sa kawalan ng paninda.

Dahil dito, nagbaba ng ayuda ang lokal na pamahalaan para bigyan ng puhunan at mga paninda ang mga store owners para muling mga makapagnegosyo matapos maapektuhan ng lockdown.

Nasa 179 na mga sari-sari store ang binigyan P3,000 cash at grocery items sa ilalim ng programang “Tindahan ni Maria” ng San Jose Del Monte.

Ayon kay SJDM Lone District Rep. Rida Robes, nagsitigil na sa operasyon ang 179 sari-sari store na ito sa 59 barangay magmula nang ipatupad ang lockdown dahil naubusan na rin ng puhunan ang mga negosyante.

Dagdag ni Robes, ang ipinamigay na puhunan at grocery items ay nagmula sa kanyang dalawang buwang suweldo bilang mambabatas.

Naniniwala siya na sa pamamagitan ng mga ibinigay na ayuda ay muling makakabangon at mapapalago ng mga sari-sari store owners ang ibinigay na mga paninda at puhunan.

Ani Robes, bukod sa 179 sari-sari stores na nauna nang nabigyan ng ayuda ay posible pang mabigyan ang iba pang mga store owners sa lungsod para makapagsimula din muli ang mga ito ng kanilang maliliit na negosyo.

Nagpapasalamat naman ang mga sari-sari store owners gaya ni Emar Cadasa ng Barangay Gumaok East dahil malaki daw ang maitutulong sa kanila ng ibinigay na puhunan dahil simula noong nag lockdown ay hindi na sila nakapagtinda at ganun din ang asawa niyang natigil sa trabaho.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here