SAN FELIPE, Zambales — Arestado ang isang lalaki at ang kasama nitong babae sa checkpoint sa Barangay San Rafael sa bayang ito matapos na walang maipakitang “travel pass” at mahulihan pa ng droga.
Ayon kay Capt. Ramil Menor, hepe ng pulisya ng San Felipe, sakay ng kotseng Innova na may plakang CAK-1232 na minamaneho ni Jorge Pulido y Querido, 45,ang kasama si Mary Anne Tapec y Merano, 38, parehong residente ng Purok 1, Barangay Apostol, San Felipe nang masita sa checkpoint at walang maipakitang anumang travel pass ang mga ito.
Sa halip ipinakita ni Pulido sa mga pulis ang listahan ng “Authorized Person Outside Residence” na ayon kanya ay napapabilang siya dito dahil isa siyang “ship crew”
Dahil sa mga ipinakitang dokumento ni Pulido habang sumasailalim sa inspection ang kanyang sasakyan nakita sa cabin sunglasses holder ang maliit na piraso ng transparent plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu.
Ang mga suspek ay kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, RA 11332; RA 9165, at incident to a lawful arrest.
3 huli sa paglabag sa quarantine
Samantala, sa bayan ng San Narciso, tatlong kalalakihan ang dinakip ng pulisya matapos na magpupumilit makaalpas sa ECQ control point sa Purok 5, Barangay Beddeng.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Edvil Villarin, 53; Froilan Adarbe, 42; at Nestor Dadural, 50, pawang mga residente ng Barangay La Paz at Patrocinio, San Narciso.
Ayon sa pulisya, tinangkang makalagpas ng checkpoint ang mga suspek na sakay ng isang gray Toyota Vios at nagkaroon ng habulan hanggang ang mga ito ay abutan ng mga pulis.
Sa imbestigasyon, wala ni isa sa mga suspek ang may maipakitang quarantine o travel pass. Sila ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 9 (d) ng RA 11332 at paglabag sa Article 151 ng Revised PenalCode.