Three networks, kanya-kanyang pasabog

    408
    0
    SHARE
    EXCITING ang bagong taon sa tatlong major TV networks – ang ABS-CBN, GMA at TV-5 dahil parepareho silang may mga nakahandang bagong mga programa na aabangan ng mga televiewers.

    Over at ABS-CBN, matapos sa “Two Wives” kung saan nabuo ang kanilang love affair sa tunay sa buhay, magtatambal sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa sarili nilang teleserye, ang “Be My Lady”. Nariyan din ang balik-tambalan nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo sa TV version ng 1980 classic film na “Tubig at Langis”. Balik-tambalan din sina Kim Chiu at Xian Lim sa bago nilang teleserye, ang “The Story of Us” na ang mga eksena ay kinunan pa sa Palawan at New York City, USA.

    Ang much-awaited na tambalan sa isang TV series nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ay tuluy na tuloy na sa “Written In Our Stars” na tatampukan din nina Sam Milby at Jolina Magdangal. Magkakaroon naman ng follow-up project ang successful team-up nina Liza Soberano at Enrique Gil sa “Dolce Amore.”

    Magiging masigla naman ngayong 2016 ang TV5 sa kanilang mga bagong entertainment programs dahil sa pagpasok ng Viva top honcho na si Boss Vic del Rosario na siya nang content strategist ng mga entertainment programs ng Kapatid Network.

    Bilang panimula, nariyan ang kanilang singing star searchna “Born to be a Star” to be hosted by Ogie Alcasid habang ang mga hurado naman ay sina Aiza Seguerra, Rico Blanco at Pops Fernandez. Sina Mark Bautista at Yassi Pressman ang magiging co-hosts ni Ogie.

    Bubuhayin din ng TV5 ang TV remake ng pelikulang pinasikat ng movie king na si Fernando Poe, Jr., ang “Ang Panday” na likha ni Carlo J. Caparas na tatampukan ni Richard Gutierrez. Nariyan din ang bagong teleserye na “Bakit Manipis ang Ulap” na tatampukan nina Claudine Barretto at Derek Ramsay.

    Gagawan din ng TV series ang “Tasya Fantasya” plus other new programs.

    Sa pagpasok ng Viva sa TV5, inaasahang makaka-take off na nang husto ang Kapatid Network na may kung ilang taon na ring napapag-iiwanan ng Kapamilya at Kapuso Networks.

    Sa GMA7, may mga inilatag na rin silang mga bagong programang pasabog sa pagsisimula ng 2016.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here