Three for charity

    3967
    0
    SHARE

    Naranasan ni Alden Richards kahit isang araw man lang ang maging trabahador sa isang construction site nang tumulong siya sa build-a-home project ng Habitat for Community sa isang adopted community ng nasabing non-profit organization sa Quezon City.

    Inasahan niyang magiging construction worker siya sa kabahayang itinatayo pero pinaalis at pinalinis lang sa kanya ang mga tambak na semento na nagsisilbing hadlang sa daanan ng mga tao. Sambit  ga ni Alden sa isang speaker ng samahan, nabitin daw siya sa simpleng ginawa niya.

    Inilipat lang kasi  niya ’yung debris mula sa Area A patungo sa Area B. “Ang nakatutuwang sinabi ng speaker sa akin, it’s not how o  kung gaano kalaki ’yung trinabaho ko, gaano  kahirap, gaano ka napagod. It’s more on kung anong ginawa mo.

    You made a difference, you helped in your way, na kahit paano kung hindi ka tumulong, malamang marami pang debris doon sa site na ’yon na  dinadaanan ng tao. “So in your way, sabi ko, tama naman. It’s the amount of effort that you  gave, and not how hard the task  is,” pahayag ni Alden.

    Nakibahagi si Alden sa Habitat for Community bilang bahagi ng kanyang selebrasyon ng 23rd birthday  niya. Kung naging simple lang ang selebrasyon niya kasama ang pamilya at kapatid, hindi ’yon doon nagtapos dahil gusto naman niyang makatulong sa mga samahang tumutulong sa mga tao.

    Naghahanap pa nga siya ng ilan pang outreach programs upang makibahagi bago siya umalis patungong  Europe  para sa International Film Festival sa Rotterdam. 

    Hindi lang si Alden ang GMA Artists na binuksan ang tao sa mga  charitable works dahil si Kylie Padilla at  Mikael Daez ay nagkaroon ng sariling outreach program din noong Enero 11 kung saan nakasama nila ang  estudyante ng Pag-asa Elementary School sa Caloocan City.

    Kapwa ambassadors  ng Save The Children sina Kylie at Mikael kaya naging bahagi sila ng programang inihanda ng Save  The Children Organization kasama ang mga humigit-kumulang na 70 bata mula edad na  pito hanggang siyam.   

    Binigyang-buhay ng dalawang Kapuso artists ang mga kuwento sa libro sa masigla nilang pagbabasa ng storytelling  portion.  “It’s nice seeing them smile because of what you do for them. It’s a simple thing for us, ’yung mag-act ng konti or magbasa sa kanila.

    Pero its’ a big deal dahil nakikita mo ’yung effect ng ginagawa mo sa ibang tao,”  saad ni Mikael. Pinangunahan din nina Mikael at Kylie ang isang feeding program kung saan hindi lamang nila binusog ang mga tiyan ng bata kungdi ang mga puso rin. 

    “That is the way I want to extend the blessings I receive kasi these children are so pure. And I know that helping them experience a happy childhood can be an inspiration to them,”  katwiran naman ni Kylie. 

    Sa ngayong, abala si Kylie sa taping ng More Than Words kung saan siya ang hadlang sa  pag-iibigan  ng mga bidang sina Elmo Magalona  at Janine Gutierrez habang si Mikael naman ay napapanood sa GMA  

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here