‘There is still life after conviction’
    De Venecia: Naaawa ako kay GMA

    305
    0
    SHARE

    CLARK FREEPORT – “There is still life after conviction (Tuloy parin ang buhay kahit nahatulan na)”.

    “Ipinapanalangin ko siya dahil naaawa ako sa kanya.”

    Ito ang naging tugon ni dating Speaker of the House na si Jose De Venecia Jr. noong Miyerkules dito kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo na naoperahan sa St. Lukes Medical Center.

    Kanyang inihalimbawa ang kaso ni dating presidente Joseph Estrada na nakulong dahil sa plunder.

    Si Estrada aniya ay dumaan ng maraming hirap sa pagharap sa kanyang kaso at nang siya ay makulong.
    “We had a political fight when my son exposed the ZTE scandal and she (Arroyo) got back at me after my success as five times speaker of the house, I was replaced.

    (Nagkaroon kami ng alitang political nang i-expose ng aking anak [Joey De Venecia] ang tungkol sa ZTE scandal at binalikan niya ako, na pagkatapos akong  limang beses na naging Speaker of the House ay pinalitan ako). Pero naawa din ako sa kanya,” ani De Venecia.

    Siya ay tumanggap ng isang parangal mula sa Metro Clark Advisory Council dahil sa kanyang kontribusyon at naging papel sa pagsasaayos ng Clark at ng buong Pampanga mula sa pagkasira sa pagputok ng bulkang Pinatubo.

    Nang tanungin naman siya kung ano ang kanyang maipapayo sa kasalukuyang administrasyon sa laban nito sa korapsyon, sinabi niya na nasa tamang landas si Pangulong Aquino.

    Pero dapat umanong mag-focus ang pangulo sa dalawang importanteng bagay: Ito ay ang magkasabay na laban sa korapsyon at sa kahirapan.

    “While he is fighting the battle against corruption, the economic team, his economic team must fully focus in rebuilding the economy (Habang nakikipaglaban sa korapsyon, dapat ang kanyang economic team ay nagtatrabaho at nakafocus naman sa pagsasaayos muli ng ekonomiya),” aniya.

    Iginiit pa niya na hindi maari yung focus sa korapsyon tapos ay nakakalimutan ang sa economiya. “It should be a simultaneous parallel effort.”

    Nang tanungin naman siya ukol sa kanyang balak sa 2013, sinabi niya na tutulong nalang siya sa bansa.

    “Hindi na matanda na ako. Let the younger people takeover. Give them a chance. (Hayaan na natin ang mga kabataan ang mamuno. Bigyan natin sila ng pagkakataon),” ani De Venecia.

    Siya ay chairman ngayon ng mga political parties sa Asya na kung saan kabilang ang Putin’s party of Asia, Party of China, The Congress Party of India, at mahigit na 300 political parties.

    Sinabi niya na tutungo siya sa Tsina sa susunod na linggo upang magbigay ng talumpati, pagkatapos naman ay sa Thailand.

    Dito lang ako sa Asya. My wife is already a congresswoman, and she is the president of all congresswomen in the Philippines (Ang aking asawa ay mambabatas na, at siya ng pangulo ng lahat ng mambabatas na babae sa Pilipinas).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here