Kung magkapareho tayo ng pananaw
At maingat pati sa ating pagbitaw
Ng mga salita – gaya nitong ikaw
Ay tinanong hinggil kung sino si Islaw
Na ngayo’y kalaban mo sa pulitika
Gayong kayo’y dati yatang magkasangga,
Pagkat ang misis mo’y naka-tandem niya
Bilang vice mayor at ang Alkalde’y siya
Di kaya lalabas na lubhang kakatwa
Kung ikaw pa mismo ngayon itong tila
Sa imahe niya tumatapak kusa,
Nang ang katanungan nila’y ganito nga:
“Ano po ang inyong masasabi tungkol
Sa pamamahala niya bilang Mayor?
At ang sagot mo’y walang kagatol-gatol,
‘In public’ – na siya’y isang magnanakaw?
Tulad ng winika sa isang interview
In a TV network (or broadcast on radio?’)
Kung saan dinig at napanood mismo
Ng marami at ng pinangalanan mo?
Na magnanakaw siya, at yan ay direktang
Napanood pati ng kapamlya niyan;
Sa akala mo ba’y hindi gagawa yan
Ng kung anong legal na aksyong kailangan?
Upang mabigyan ng hustisyang marapat
Itong sa dangal niya’y tuwirang pagyapak
Nang tukuyin mo ang salitang di dapat,
Sa pagkatao niya itambal at sukat?
(At isa pa manding itinuturing na
Edukadong tao at ‘icon’ kumbaga
Sa lipunan itong tuwirang nagbadya,
Na magnanakaw nga itong kalaban niya?)
Kung ikaw ay isang marangal na tao,
Magagawa mo ba ang kagaya nito
Na pagsabihan ng ganyan ang kapwa mo
Na tunay naman ding malaking insulto?!
Kung saan posibleng ikaw ay sampahan
Ng libel at iba pang kasong kriminal,
At/o kaya ‘oral defamation’ kung yan
Ay pasok sa ating batas panuntunan
Lalo’t malinaw na mayrung ‘prima facie’
Para maidemanda ka nito sa Korte,
Base sa ‘malicious’ mong pinagsasabi,
Na ika nga’y grabeng paninirang puri.
Kung ganitong klaseng tao ang mahalal
Para maging mayor, bokal o congressman,
Ano ang maari nating maasahan
Kundi ng salitang di ikararangal?
At di pag-venggansa na sadyang di akma
Para sa posisyon nitong ninanasa
Ang mangibabaw at mamayaning kusa
Kapag siya itong pinalad ika nga?
Definitely, in my own humble opinion,
He may only be a good leader after all
If he can, for himself, would able to control
His tongue whenever he’s on a hypertension.
Pagkat bilang lider na kagalang-galang
Ay marapat lang na una mong igalang
Ang sarili bilang isang ‘public servant’
Bago ang iba ay iyong maasahang
Igalang kang lubos at sundin pati na
Mga kautusan ng iyong opisina,
Kung saan dito mo ganap makukuha
Ang respeto n’yan at tapat na simpatya!