“The incorruptible”

    380
    0
    SHARE

    KUNG SA kabila ng magandang layunin
    ni Duterte para magawang sugpuin
    itong ‘illegal drugs’ ay siya pa ang ating
    minamasama at pagbintangan nating
    may pakana ng ‘extra judicial killings,’
    at ibang sa kanya’y sinisisi natin.

    Saan sa akala natin ilalagay
    ang kanyang sarili para magampanan
    nang naaayon sa kanyang sinumpaang
    tungkulin ang lahat na ng nakaatang
    sa kanyang balikat bilang isang halal
    na Pangulo natin sa kasalukuyan?

    Tutunganga na lang ba siya at sukat
    at di niya gawin ang tungkuling dapat
    asikasuhin at bigyan ng marapat
    na aksyon itong sa ating komunidad
    ‘state of lawlessness’ at lalong pagtaas
    nang bilang nitong adik sa ‘illegal drugs?’.

    Kung saan mula nang ilunsad ni Digong
    ang kanyang ‘war on drugs,’ halos araw-araw
    may napabalitang ‘pushers’ na diumano’y
    nanlaban sa pulis nang sila’y masukol
    kaya napatay ‘base on investigation’
    ng autoridad na may ‘offi cial mission’.

    Pero sa kabila ng lahat, kay Pangulo
    isinisisi ang lahat na ng ito,
    tulad na lang nitong akusasyon mismo
    ng KMP at ng iba’t-ibang grupo;
    na nananawagan upang i-’ouster’ ito
    sa anila’y ‘drastic’ niyang pangungubyerno

    Alalahanin din sana naman nila
    na sa kabila r’yan ng kanyang kampanya
    laban sa lintik na iligal na droga,
    ang ‘drug menace’ hayan…buhay na buhay pa
    at patuloy ang pag-usbong n’yan kumbaga
    sa lahat ng dako, kaya nga’t grabe na.

    At kailangan na talagang matuldukan
    sa lalong madaling panahon, kabayan
    itong ‘illegal drugs’ at iba pang bawal
    na gawaing hindi marapat tularan,
    lalo nitong ating mga kabataang
    sa araw ng bukas, pag-asa ng bayan

    Na baka lulong na sa pinagbabawal
    na drogang di dapat na matikman man lang,
    kaya sinisikap nitong Malakanyang
    na mailayo ang mga kabataan
    sa katulad nitong salot sa lipunan
    at bisyong ni hindi marapat tularan.

    Kaya nang kung hindi si Digong Duterte
    ang siyang nanalo sa pagka-presidente,
    saan na tayo sa akala n’yo Pare,
    sa panahong ito pupulutin bale,
    kundi sa kangkungan o gilid ng kalye
    kung tayo’y buwang na sa shabu’t ecstasy?

    Sa totoo lang ay kung paka-isipin
    ang bagay na ito ng sinuman sa’tin,
    na ibinubunton ang sisi sa ating
    mahal na Pangulo, masasabi nating
    ang lahat ay baka inggit lang marahil
    sa kanya, sa taglay niyang husay at galing

    At pagiging lubhang malapit sa kanya
    ng taong bayan at ng ibang bansa pa,
    na di naranasan marahil ng iba
    na naging Pangulong nauna sa kanya;
    Na maituturing na tapat talaga
    sa sinumpaan niyang tungkulin sa Masa!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here