Home Opinion ‘The best village chief San Simon town ever had’

‘The best village chief San Simon town ever had’

570
0
SHARE

PAGBATI ng taos sa puso ang aming
kay barangay chair Dhong nais iparating
bilang pagkilala sa taglay na galing
at husay pati sa takda niyang gawain.

At kung saan bilang pagkilala nitong
DILG kay Kap Dagdag ng San Simon,
‘A provincial showcase award,’ nga ay kay Dhong,
‘Is scheduled to confer by its Director

The weekend in terms of effective management
A barangay chairman should all the time observe
To keep its barangay (hall) in good shape always
For everyone who may come to visit the place’.

Na siyang tinutukan ni barangay chair Dhong
pagkaupo niya, at kung saan itong
napabayaan nga naming barangay hall
ang ipinaayos, pinaganda ngayon.

Ang ‘flooring,’ na dati ay nanlilimahid
sa kapal ng dumi ay ipinalinis
at pina-‘repair’ ang mga ‘Electronic
Gadgets’ na matagal nang di nagagamit.

Pinapinturaan ang buong gusali,
at kung saan pati na rin itong dati
na ‘signage, stainless’ na ang pagkayari
nang ipinalit sa pinturang namuti.

Ngayon mula alas otso ng umaga
hanggang alas singko may madaratnan na
sa barangay hall, gaya r’yan ng Sekretarya,
ang Ingat-yaman at ibang ‘on duty’ pa.

Di tulad ng dati, na kahit ni isang
barangay tanod lang walang madaratnan,
dala na rin nitong ang sariling bahay
ni Kap yata noon ang kwenta tanggapan.

At kung saan ayon sa aming nakalap
na impormasyon ay ibang ang atupag
din yata kung minsan kaya nga’t madalas
ay di madatnan ng sa kanya may lakad.

Na lubhang malayo sa kasalukuyang
‘barangay chair’ naming kita araw-araw
ang presensya niya maliban lang kung ‘yan
ay may nilakad na mahalagang bagay.

Tunay na malaki na ang pagka-iba
ng barangay pati ang lahat-lahat na
nitong dati rito nating makikita,
pagkat masipag ang aming bagong bida.

At maaring higit sa ipinamalas
na kasipagan at saka ng matapat
niyang sa kabarangay ipaglingkod dapat
ay maaasahan sa lahat ng oras.

Mantakin mo namang sa loob lang nitong
wala pa man yata sa isang daang araw,
naisakatuparan na ni Kapitang Dhong
ang lahat ng ating bagay na tinukoy?

Siya ang klase r’yan nitong tinatawag
na ‘lingkod ng bayan,’ na handang iambag
ang sarili para sa ikauunlad
ng pamayanan na kanyang nililiyag!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here