na pagbisita sa munisipalidad
ng San Simon ni ‘yours truly,’halos lahat
nitong nakaupong ‘current town officials’
Ay kilala na niya kung sino talaga
ang may dedikasyon sa tungkulin nila,
At kung sinu-sino rin ang madalas na
‘absent,’pero kapag akinse’t atreynta
Minsan mas maaga pa sa nagrarasyon
ng gatas ng baka’t inahing kalabaw
kung sumipot – at ang hanap nila’y “payroll”
para makakuha ng RATA at (pension?)
Sa ‘exec office’ at d’yan sa ‘legislative,’
si Mayor at si Vice ay parehong ‘active;’
Maagang pumasok lalo na kung Lunes,
at madalang na di makapa sa opis.
Partikular na riyan ang Bise Alkalde
na palaging ‘present’ sa ‘official duty;’
‘Monday to Friday’ ay nariyan parati
upang sa kabalen ay makapagsilbi.
Dahil hindi lamang pagiging ‘presiding
officer’ sa session ang takdang tungkuling
sa sarili ni Vice inako niyang tupdin,
kundi pati pagtulong sa ‘constituents’ din
Tulad ng kailangang dalhin sa ospital,
partikular itong walang matakbuhan;
At tunay naman ding walang mapagkunan
na maralita niyang mga kababayan.
Kung saan sariling sasakyan madalas
ni Vice ‘Keko’ itong kanyang pangharabas
sa paghatid, at kung saan dalhin dapat
ang maysakit – ng libre pati na pang-gas.
At maging sa iba pang pangangailangan
Ng mga kabalen si Keko rin naman
Itong humaharap para matulungang
Makahingi yan ng anumang ‘assitance’
Kaya naman hayan araw-araw laging
‘busy’ si Vice Keko sa kanyang gawain
bilang lingkod-bayan na tunay naman ding
maaasahan at sadyang matulungin.
Na lubhang malayo sa gawi ng ibang
naturingan pa manding public official,
na kagaya riyan ng halal na konsehal
pero sa tungkulin ay di maasahan.
Kung saan ayon na rin sa’ting nakalap
na ‘info,’ madalang pa yata sa kidlat
sa tag-araw kung sila’y dumalo’t sukat
sa ‘regular session’ nilang ‘4 times a month?’
Aba’y kung totoo nga ang impornasyon
na nakalap ni ‘yours truly’ papaanong
may ordinansa at mga resolusyong,
naisusumite sa opis ni Mayor?
Na pinipirmahan para maging batas
at/o kautusang dapat ipatupad?
Kung tunay ngang higit na napakadalas
Ay ni wala namang sesyon na naganap?
Sa puntong yan tama bang sina Mayor Wong
at Vice Almario lang ang dapat tumugon
sa pangangailan ng bayang San Simon
gayong kumpleto ang kanilang Councilors?
Kung ganun tama lang na ang matatawag
na ‘The best Mayor and Vice this town ever had’
ay dili’t iba ang ‘tandem’ na masipag
na si Wong at Keko – na mahal ng lahat!