Home Opinion ‘The best of game show on TV ’

‘The best of game show on TV ’

623
0
SHARE

SA ILANG ‘game show’ na palabas sa TV,
isa ang ‘Wowowin’ ng ‘host’ na si Willie
ang kinalulugdan ng nakararami
para panoorin halos gabi-gabi.

Kabilang na tayo sa di lang mil de mil
kundi ‘millions of fans’ pati ni Kuya Wil
sa iba pang bansa ang nanonood din
ng nasabing ‘game show’ na nakakaaliw.

Kakaiba ang kanya kumpara sa lahat
sapagkat maliban sa tuwa at galak
ang dulot sa ‘audience’ at sa ‘participants,’
siya’y namumod sa kanila ng ‘cash’.

Ang di lang iisang uri ng palaro
na salitan kung ‘yan dito nilalaro,
‘thousands of pesos’ ang cash prize bawat laro
na matatanggap ng panalong naglaro.

Sinong di maakit makipagsisikan
sa GMA 7 para makita riyan
si Willie Revillame ng personal,
na kung saan puede silang maambunan?

Kasi nga di lang itong ‘contestants’ mismo
ang may ‘chance’ mabigyan ng pera o ano
kundi ang pati na rin ang nasa studio
kapag kay Willie ay nagparamdam ito.

At higit pa lalo sa magkakagrupo
na naka-iskedul para makadalo
at manood lang ay binibigyan nito
ng ‘ten thousands pesos’ itong bawat grupo.

At ang ‘hep hep, hooray’ na napakasaya
na parte ng ‘game show’ ni Willie, pati na
ang iba pa, gaya nitong ‘putukan na,’
libo-libong piso rin ang nakukuha

O napanalunan ng mga pinalad
makasali dahil kahima’t minalas
sa ‘game’ na nasabi, sila nama’y tiyak
maabutan din ng ‘give aways’ ang lahat.

Na bigay ng iba’t-iba niyang sponsor,
gaya r’yan ng jacket, magagarang celphone,
‘yan ang sa “Wowowin’ ang sa araw-araw
walang katapusang pamimigay roon.

Madalas pati na problemang pinansyal
ng ibang ‘fans’ niya ay nalulunasan
sa pamamagitan nitong ‘game show’ niyang
pinakasikat sa buong kapuluan.

Kung itong iba r’yan na bundat sa pera,
gaya ng may-ari ng Meralco, saka
ng PLDT at iba pang industrya
ay kayang tularan ang katulad niya;

Na kahit siya ay hindi kasing yaman
nitong sa bangko may ‘billions US dollars,
pero nagagawa niya ang mamigay
ng ‘hundreds of thousands’ sa proramang tangan.

Gayong ang marami, na wala nang halos
mapaglagyan sa kanilang mga ‘billions
of US dollars’ ay di maitulong
sa dukha ang kahit barya ng ‘one million’?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here