Kung di magbabago itong si Mrs. Wong
Sa kung anong nakikita natin ngayon
Bilang salukuyang Mayor ng San Simon
Na maalam sa tunay na obligasyon
At may dedikasyon sa tungkulin
Bilang butihing inang maituturing;
Ngayon pa lamang ay masasabi nating
Siya na marahi itong tatangaling
‘The best mayor San Simon town ever had’
Mula nang ito ay maging pueblo’t lahat
Bagama’t ang mga naunang humawak
Ay maituturing din namang matapat.
At masipag sa pag-ganap sa tungkulin
Gaya nina Bondoc at iba pa manding
Hanggang sa bumaba sa puesto’y ni kusing
Ay di namulsa r’yan ng kung saan galing?
(At sa totoo lang may naging Alkalde
Ng San Simon noon na ni ang kuryente
Sa bahay n’yan walang pambayad ang pobre
Kaya’t pintulan yata ng Pelco III.
Na mabibilang sa daliri kumbaga
At/o bihira nang tayo’y makakita
Ng ganyan katibay ang prinsipyo nila
Pagdating sa puntong sila ay gipit na).
Ikaw ba namang yang Alkalde pa mandin
Ng isang bayan ay iyong maa-atim
Na mangapa ang ‘yong pamilya sa dilim
Gayong may solusyon kang pupuedeng gawin?
Para magkapera sa simpleng paraan
Upang ang lahat na ay maging magaang?
Gaya ng iba riyang di dating mayaman
Pero sa ngayon ay milyonaryo na yan!
At ang pag-ganap sa kanilang tungkulin
Nang naa-ayon sa talagang gampanin
Ay di ang laman ng puso at damdamin
Kundi ang personal na nilang mithiin!
Di ko sinasabing ang mga nauna
Kay mayor Wong walang mahusay kumbaga,
Pero ‘in terms of performance’ nangunguna
Itong huli mula nang maupo siya.
Ang ilang empleyadong walang katiyakan
Ang oras ng pasok at uwi kung minsan,
Ngayon ay maaga nang magsipasok yan,
Bagama’t malimit silang maunahan
Ni Mrs. Wong lalo kung araw ng Lunes
Kung saan bahagi ng ‘official duties’
Ni mayor Wong ang ‘usual flag ceremonies’
Kasama pati ang ilang opisyales
At ibang empleyado na naging aktibo
Na ring kagaya niya sa pagseserbisyo
(At ‘visible’ palagi sa munisipyo
Kahit hindi araw ng kanilang suweldo).
Na katuwang niya bilang lingkod-bayan
Sa lahat ng bagay na dapat gampanan
Ng isang Alkalde sa nasasakupan,
Upang ang lahat na ay mapaglingkuran.
At kung saan iba’t iba ang proyektong
Napasimulan niya para sa Simon;
Partikular itong ‘ongoing’ sa ngayon
Na pagpapagawa sa gilid ng kontrol
Na binabagtas r’yan nitong ‘provincial road’
O nitong kalsadang San Simon-Tulauc,
Na di malayong sa ‘landslide’ mauubos
Kapag ang alkalde’y nagpabayang lubos!
Sa kung anong nakikita natin ngayon
Bilang salukuyang Mayor ng San Simon
Na maalam sa tunay na obligasyon
At may dedikasyon sa tungkulin
Bilang butihing inang maituturing;
Ngayon pa lamang ay masasabi nating
Siya na marahi itong tatangaling
‘The best mayor San Simon town ever had’
Mula nang ito ay maging pueblo’t lahat
Bagama’t ang mga naunang humawak
Ay maituturing din namang matapat.
At masipag sa pag-ganap sa tungkulin
Gaya nina Bondoc at iba pa manding
Hanggang sa bumaba sa puesto’y ni kusing
Ay di namulsa r’yan ng kung saan galing?
(At sa totoo lang may naging Alkalde
Ng San Simon noon na ni ang kuryente
Sa bahay n’yan walang pambayad ang pobre
Kaya’t pintulan yata ng Pelco III.
Na mabibilang sa daliri kumbaga
At/o bihira nang tayo’y makakita
Ng ganyan katibay ang prinsipyo nila
Pagdating sa puntong sila ay gipit na).
Ikaw ba namang yang Alkalde pa mandin
Ng isang bayan ay iyong maa-atim
Na mangapa ang ‘yong pamilya sa dilim
Gayong may solusyon kang pupuedeng gawin?
Para magkapera sa simpleng paraan
Upang ang lahat na ay maging magaang?
Gaya ng iba riyang di dating mayaman
Pero sa ngayon ay milyonaryo na yan!
At ang pag-ganap sa kanilang tungkulin
Nang naa-ayon sa talagang gampanin
Ay di ang laman ng puso at damdamin
Kundi ang personal na nilang mithiin!
Di ko sinasabing ang mga nauna
Kay mayor Wong walang mahusay kumbaga,
Pero ‘in terms of performance’ nangunguna
Itong huli mula nang maupo siya.
Ang ilang empleyadong walang katiyakan
Ang oras ng pasok at uwi kung minsan,
Ngayon ay maaga nang magsipasok yan,
Bagama’t malimit silang maunahan
Ni Mrs. Wong lalo kung araw ng Lunes
Kung saan bahagi ng ‘official duties’
Ni mayor Wong ang ‘usual flag ceremonies’
Kasama pati ang ilang opisyales
At ibang empleyado na naging aktibo
Na ring kagaya niya sa pagseserbisyo
(At ‘visible’ palagi sa munisipyo
Kahit hindi araw ng kanilang suweldo).
Na katuwang niya bilang lingkod-bayan
Sa lahat ng bagay na dapat gampanan
Ng isang Alkalde sa nasasakupan,
Upang ang lahat na ay mapaglingkuran.
At kung saan iba’t iba ang proyektong
Napasimulan niya para sa Simon;
Partikular itong ‘ongoing’ sa ngayon
Na pagpapagawa sa gilid ng kontrol
Na binabagtas r’yan nitong ‘provincial road’
O nitong kalsadang San Simon-Tulauc,
Na di malayong sa ‘landslide’ mauubos
Kapag ang alkalde’y nagpabayang lubos!