Sa tatlong kalaban n iFloridablanca
Mayor Guerrero sa muling pagtakbo niya
Bilang mayor uli ay halos tiyak na
Ang kanyang panalo laban sa kanila.
Bunsod ng pagiging malinis at tapat
Sa tungkulin at mahusay na pagganap
Ng mga gampaning sadyang nararapat
Para sa Kabalen sa lahat ng oras.
Kung saan tunay na magandang ehemplo
Ang ipinamalas ni Mayor Guerrero
Sa panahon ng panunungkulan nito
Nang walang pinipili at sinisino
At pantay na serbisyong inilalaan
Sa lahat ng kanyang mga kababayan,
Mapa’ mahirap o maykaya sa buhay,
Kaya si Mayor ay idolo ng tanan
Di lamang ng dahil sa napakabait
Kundi pati na sa di pagiging plastik
Ng pakikitungo sa sinumang nais
Makausap siya’t may gustong ilapit
Dala na rin nitong madaling lapitan
Si Mayor Guerrero kung kinakailangan,
At kahit personal pa mang kahilingan
Ng iba’y malimit na napagbibigyan.
At ang mga bagay na kapuri-puri
Kay Floridablanca town mayor Ka Eddie,
Ay kabilang ang pagiging ‘media friendly’
At tamis mag-‘welcome’ ng bisita pati.
Na lubhang malayo sa pag-uugali
Ng ibang opisyal na lubhang mapili
Sa kung sino lang ang hinaharap lagi,
At di pinagbibigyan kahit sandali.
Para ma-‘interview’ at/o makausap
Hinggil sa anumang bagay na marapat
Sagutin nito at kanyang ipahayag
Ang panig n’yan bago pa man isiwalat
Ang isang maselang isyu halimbawa
Na di na marapat pang mailathala
O sa ‘broadcast media’ ay maibalita,
Kung di rin lang sukat sakyan ka ipala.
At isang uri lang ng ‘black propaganda’
Ng kabila para siraan ang isa,
Pero ang kay Mayor Eddie ay kakaiba
Dahil ang lahat na ay ‘welcome’ sa kanya.
At kahit may batik ang kanyang kalaban
Na maari nitong ilantad sa bayan,
Si Mayor Guerrero ay di mo maringgan
Ng anuman para ito ay siraan.
Gaya na lang nitong isang ‘mayorable’
Na napabalitang may kaso yan ngayon
Ng Estafa, pero ya’y sinikap nitong
Di nagbigay katiting mang impormasyon.
Hinggil sa kung ano talaga ang isyu
Kung bakit ang isang katunggali nito
Sa pagka-Mayor ay ‘respondent’ sa kaso
Ng Estafa at /o gawang panloloko.
Sa puntong naturan masasabi nating
Si Eddie Guerrero ay napakabuting
Tao,na may puso’t wagas na damdamin
Liban sa pagiging lubhang matulungin.
Kung kaya di pa man ay inaasahan
Na nating siya ay muling mahahalal
Ng paulit-ulit sa kanilang bayan
Hanggang sa siya’y magretirong tuluyan!