Ay di lang sampu ang tandang-tanda ko pa,
Hangang sa ngayon kung sinu-sino sila
Na naging Governor dito sa Pampanga
Late 40’s up to early 50’s si Lingad,
Na nang panahon niya, Lolo ko’y dumanas
Ng pananampal ng mga civilian guards,
Nang may itanong at di nasagot agad.
Sa kadahilanang ang ganap umiral
Nang siya ang governor ay kamay na bakal;
At ang katawagang human rights ay walang
Puwang sa animo ay batas militar
Na pamalakad ng nasa Kapitolyo,
At nitong ang bansag nila’y “Markang Bungo,”
Na ang pinuno ay si Major Serrano
Ayon sa kwento ng yumao kong Lolo.
At nagbago lamang ang ihip ng hangin
Dito sa Pampanga nang si Tatang Feleng
Ang tumapos umano sa ‘Lingad regime,’
At si Ka Luis Taruc ay sumuko na rin.
‘Nineteen sixty until nineteen seventy one’
Ang pumalit ay si Tatang Kitong naman,
(At peace &order ang ganap na umiral
Hanggang sa bumaba siya sa katungkulan).
1972 – Brigido Valencia,
Ang umupo bago pinalitan siya
Ni Tita Saning na naging Kongresista,
Nang palitan na ni Titong P. Mendoza
Na maliban sa naging posisyon nito
Bilang gobernador, siya’y naging Ministro
Ng Hustisya nang si Macoy ang Pangulo,
Puera sa pagiging ‘Solicitor’ nito.
Pero nang bumaba sa puesto ang isa
Ng dahil sa People’s Power d’yan sa EDSA,
Kasabay ni Macoy, itong si Mendoza
Ay nabakante ang lahat ng puesto niya.
Kung saan si Cicer na dapat maluklok
Bilang kapalit ni Mendoza, naudlot
Ang pag-takeover niya as elected Vice Gov,
Nang dahil umano sa mga Aquino’s?
Sapagkat si Bren Guiao ang napili yata
Ni Peping Cojuangco ayon sa balita,
Kaya ano pa nga ba ang magagawa
Ni Punsalan kundi ang magpaubaya?
Middle 90’s hanggang noong 2004,
Si Lito Lapid ang naging Gobernador;
Ang sumunod si Mark,pero tatlong taon
Lang naupo, talo agad sa eleksyon
At si Among Ed ang kwenta nagpabagsak
Kina Lapid, pati na sa pagkatuklas
Kung “how much” talaga ang kita sa ‘Balas’
Ng Capitol noong sila ang may hawak.
At ngayong si ‘Nanay Baby’ ang umupo
Bilang “INA” na may ginintuang puso,
Hayan, ang kita ng probinsya’y lumago
Kasi di binulsa ang mina ng ginto;
Kundi bagkus ito’y kanyang inilaan
Sa kung anong dapat na pagka-gastusan,
At kinakailangang unang matutukan
Para sa lahat ng mga Kapampangan.
Kaya naman, in terms of public services
As well as on her some other accomplishments,
None of the above said province’ former leaders,
Could ever surpass her since ‘Nanay’ is the best!