The best city Dad, Angeles ever had

    605
    0
    SHARE

    MULA IPAIRAL itong mahigpit na
    Pagpapatupad sa ilang ordinansa
    Ng Angeles at kung saan si EdPam na
    Itong tumutok ng husto sa problema

    Para personal niyang makita kung bakit
    Sa kabila r’yan ng kanyang pagnanais
    Na maging uliran ang siyudad sa linis
    Ay marami pa ring kalat sa paligid

    Partikular sa may gawi ng Rotonda,
    Ng city proper at kalsadang papunta
    Sa Mabalacat at Porac, kasama na
    Ang binabagtas ng dyip na biaheng Villa

    At kung saan bunsod ng ya’y karatig lang
    Nitong San Nicolas market ang parteng yan
    Ay natural lang na karaniwan na riyan
    Itong iba’t-ibang kalat sa lansangan

    Ng ating pedestrians, at kung saan sanhi
    Nitong ang bangketa’y okupado lagi
    Ng mga vendors na tinda’y sari-sari,
    Yan araw-araw ay barado palagi

    At di madaanan ng mga ‘pedestrians,’
    Dala ng kung anong mga naghambalang,
    Saan sa akala natin magdaraan
    Ang mga yan kundi sa gilid ng daan?

    Kung saan posibleng sila ay masagi
    Ng mga sasakyan, at siyang maging sanhi
    Ng malubhang aksidente kung sakali,
    Na di mailagan, munting pagkamali.

    Pero sa ngayon ay lubhang malayo na
    Sa dating situwasyon ang d’yan makikita,
    Sapagkat nang dahil kay Mayor, iba na
    Ang sa lugar na yan mamamalas tuwina.

    Malinis na ngayon ang kapaligiran
    At pati ‘ambulant vendors’ wala na riyan
    Mula ipatupad ni Mayor Pamintuan
    Ang city ordinance na kinakailangan.

    Kung saan si Mayor itong personal na
    Nagmatyag para masubaybayan niya,
    Ang mga pagkilos at daloy pati na
    Ng buhay palengkeng tadtad ng basura

    At pagtapon basta riyan nitong iba
    Ng kanilang kalat kahit sa kalsada,
    Sanhi ng aywan kung ito ay likas na
    O kawalan pati na ng disiplina

    Nitong nagtitinda’t mga mamimili,
    Na aywang kung sadyang sila’y walang paki
    Sa ikasisira ng imahe pati
    Ng lungsod sa mata ng nakararami.

    Pero nang dahil sa pati na illegal
    Na istraktura ay kanyang pinatanggal,
    Gumanda na’t naging malinis ang lugar
    Sa mata ng ating mga mamamayan.

    Kasama na syempre pati ang turista
    At iba pang ating nagiging bisita,
    Na inaasahang dadagsa sa tuwina
    Dito sa Angeles kapag natapos na

    Ang pagpapaganda ng ating city Dad
    Sa ‘Heritage District’ ng naturang siyudad,
    Na nasimulan na ang mga marapat
    Na pagkilos para ganap na matupad

    Ang mga pangarap para sa Angeles
    Nitong mabait at butihing city Dad,
    Na“World Class’ na nga ay siya pa ang ‘The best
    Mayor the City of Angeles had ever had!’

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here