Thank you, PMPC!

    586
    0
    SHARE

    Malaki ang pasasalamat ni Joel Mendoza sa Philippine Movie Press Club dahil napansin ang kanyang album sa Viva Records entitled “ Pakinggan Mo Ako”.

    Nominado siya ngayon sa 3rd Star Awards for Music bilang Best New Male Recording Artist na ang awards night ay gaganapin sa October 16 sa Lee Irwin Theater sa Ateneo De Manila.

    Deserving naman si Joel sa natamo niyang  nominasyon dahil maganda at punom-puno ng emosyon ang kanyang boses pag napapakinggan ang mga  kantang napapaloob sa kanyang album . Katuwang niya si  Vehnee Saturno  na mabuo ang mga awiting ito.

    Sa San Diego, California  naka-base si Joel at  guest siya sa San Diego tour na pinamagatang TELESERYE ROYALTY TOUR /CONCERT  na gaganapin sa October 8 sa Joe & Vi Jacob’s Center, 404 Euclid Ave., National City, CA 92102

    Makakasama niya rito sina Coco Martin, Maja Salvador, Jason Abalos, MARA CLARA cast, Jovit Baldovino and Comedian Chokoleit .

    Sa November 3  naman ay international launching ng kanyang album na ‘Pakinggan Mo Ako’  sa  Dream Catcher Theater, Viejas Casino kung saan  ay guest nya si Lani Misalucha. Ito’y pinamagatang  ‘Miracles & Dreams Concert’.

    Hindi talaga matatawaran na gumagawa ng pangalan si Joel sa industriya ng Musikang Pilipino. Babalik din siya sa Pilipinas para asikasuhin ang kanyang first major concert  at promotion ng kanyang second single.

    Talbog!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here