iaasa ni Mar ang pangarap nitong
manalo sa ‘May 9 general election,’
yan sa pagkabigo maaring humantong.
Lalo’t tulad nitong halos di umangat
ang pangalan niya mula sa pang-apat,
at base sa survey may posibilidad
na siya pa malamang itong mangulelat.
Kasi nga dala ng mga kapalpakan
ng ehekutibo o ng Malakanyang,
damay si Roxas sa anino ng kanyang
idolo – (na author ng ‘Tuwid na Daan’).
At itong iba pa na nakasandal din
kay PNoy, dala ng mga pangyayaring
di man sinasadya na maituturing,
pero nag-iwan ng sugat na malalim.
Gaya halimbawa ng pagkapahamak
nga ng SAF 44 – na nasawi lahat
sa Mamasapano – dahil sa pumalpak
na ‘chain of command’ ng nagplano at lahat
Sa maselang misyon na kinasangkutan
ng isang ‘at that time suspended General’
Alan Purisima, pero nagawa niyang
nakisawsaw din sa paghanap kay Marwan.
Kung saan milyones ang patong sa ulo
ni Marwan kung kaya kahit suspendido
si Alan ay siyang inatasan mismo
sa operasyong ‘yon ng ating Pangulo?
Na aywan kung ano ang ‘hidden agenda’
nina Aquino at Alan Purisima
sa pagdakip sa naturang terorista,
liban sa posibleng (pagkakitaan ba?)
At ang hinggil sa pag-veto ni Aquino
sa anila’y karagdagang benepisyo
ng SSS members (na dalawang libo)
yan ay posible rin namang ikatalo
Ng PNoy Team o ng Partido Liberal
partikular sa halalang pang-nasyonal,
kaya’t di malayong mangulelat si Mar
at matalo pati ibang katiket niyan;
Dala ng sinumang sumandal marahil
sa likuran ng anino ng butihing
‘Chief Executive’ ay posibleng hilahil
sa bandang huli ang di malayong kamtin.
(Maliban lang syempre sa ibang kasangga
ng ating Pangulo dito sa Pampanga,
Na ang taglay nilang dunong at karisma
ang puhunan n’yan sa katunggali nila).
Idagdag pa natin sa puntong naturan,
na di rin malayong ikatalo ni Mar
ay itong hinggil kay Gloria Macapagal
na naka- ‘hospital arrest’ sa Veterans
Na ni ayaw nilang payagang lumabas
para magpagamot ang butihing anak
ng Pampanga, kaya ang posibleng resbak
ng mga Kabalen ilaglag si Roxas.
Sanhi ng posibleng kung ano ang dikta
ni PNoy kay Mar ay siyang malamang na
gawin nitong huli kay Pangulong Gloria,
pagkat masunuring masyado ang isa.
Kaya nga’t kapagka’ itong panggigipit
ni Aquino kay Mam di nagbagong bihis,
bago ang halalan tuluyang sumapit,
talo ang ‘Team PNoy’ at ‘Daang Matuwid’!