Home Headlines Tatay ni NBA star Rodman pumanaw sa AC

Tatay ni NBA star Rodman pumanaw sa AC

1325
0
SHARE

Ang burol ni Philander Rodman Jr. sa Angeles City


ANGELES CITY — Sumakabilang buhay na ang ama ni 2011 National Basketball Association Hall of Famer Dennis Rodman na si Philander Rodman Jr, nitong July 14.

Siya ay 79anyos at nakatira sa Hensonville, Anunas, Angeles City.

Ayon kay Maria Tina, half-sister ni Dennis, namatay ang kanilang ama sa sakit na prostate cancer nitong Martes.

Aniya, alam na ng kuya niyang si Dennis ang pagyao ng ama dahil nai-message na nila ito sa kanyang messenger.

Sumasagot naman daw ang kanyang kuya Dennis at nakikidalamhati sa pagkawala ng ama.

Hindi lang nila matiyak kung makakarating sa Pilipinas ang NBA star hanggang sa araw ng libing ng ama.

Mensahe naman ni Michelle sa kapatid na si Dennis na sana ay patawarin na nito ang kanilang ama na tumalikod sa responsibilidad sa pagpapalaki sa basketball player.

Umaasa sila na makakarating sa lamay si Dennis bago ilibing sa darating na Huwebes ang ama.

Ang mga labi ni Rodman ay nakaburol sa Angelino’s Funeral Chapels sa lungsod na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here