Palit-puwesto. VG Atty. Christian Noveras at Gov. Jerry Noveras. FB photograb
BALER, Aurora – Nagpalit puwesto ang mag-amang incumbent Gov. Atty. Gerardo “Jerry” Noveras at incumbent Vice Governor Atty. Christian Noveras para sa halalan sa Mayo 9, 2022.
Sa inihain nilang certificates of candidacy, tatakbong gubernador ang anak at tatakbo namang bise ang ama.
Makakalaban sa pagka-gobernador ni Christian si Engr. Isidro Galban. Katunggali naman ni Jerry sa pagka-bise gobernador si Narciso Amansec.
Wala namang nangahas na lumaban kay reelectionist Congressman Rommel Angara sa Lone District ng Aurora.
Ang lalawigan ng Aurora ay binubuo ng walong bayan lamang: Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dingalan, Dipaculao, Maria Aurora, San Luis, at Baler, ang kabisera.