Home Headlines Taste Festival: Lutong Kapampangan ibinida

Taste Festival: Lutong Kapampangan ibinida

1455
0
SHARE
Ang isa sa food stall mula sa 30 food concessionaires na lumahok sa dalawang araw na Taste Festival. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG ANGELES — Sisig, lechon, crispy pata, at liempo ang ilan lamang sa mga lutong Kapampangan ang ibinida sa dalawang araw na Taste Festival na pinangunahan ng JCI Angeles City Kuliat nitong nakaraang weekend.

Bukod sa mga Pampanga delicacies ay mayroon din na mga matatamis na kakanin gaya ng halo-halo at ice cream na mga pwede sa mga diabetic dahil ginamitan ito ng stevia.

Mayroon din naman na ibinidang western style cuisine, American pasta, Japanese food tulad ng sushi, may mga burger din, wings, at Italian pasta.

Kaya’t sa kabila ng mainit na panahon ay nag-enjoy dito ngayong long weekend ang mga magkaka-ibigan at pami-pamilya para sa naturang event.

Ayon kay Ino Buan, project chairman ng Pampanga Taste Festival, ito na ang ikatlong taon na ginagawa ang nasabing festival.

Nasa 30 food concessionaires ang lumahok sa naturang Taste Festival para ipakita ang ibat-ibang Lutong Kapampangan dahil kilala ang Pampanga bilang Culinary Capital of the Philippines.

Ang kikitain naman sa nasabing festival ay para sa isang community project na pagbibigay ng binhi sa Aeta communities sa lungsod para makatulong sa kanilang kabuhayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here