Home Headlines Tarlac, may mga bagong kinatawan sa Kamara

Tarlac, may mga bagong kinatawan sa Kamara

629
0
SHARE

Magkakaroon ng tatlong bagong kinatawan ang lalawigan ng Tarlac sa Kamara sa papasok na ika-19 na Kongreso. Sila ay sina Jaime Cojuangco ng unang distrito (kaliwa), Christian Yap ng ikalawang distrito (pangalawa mula sa kaliwa), at Bong Rivera ng ikatlong distrito (pangalawa sa kanan). Muli ding nahalal para sa kanilang ikatlo at huling termino sina Gobernador Susan Yap (kanan) at Vice Governor Carlito David (gitna). (Gabriela Liana S. Barela/PIA 3)


 

LUNGSOD NG TARLAC — Magkakaroon ng tatlong bagong kinatawan ang lalawigan ng Tarlac sa Kamara sa papasok na ika-19 na Kongreso.

Naiproklama ng Provincial Board of Canvassers si Jaime Cojuangco bilang bagong kinatawan ng unang distrito na binubuo ng mga bayan ng Anao, Camiling, Mayantoc, Moncada, Paniqui, Pura, Ramos, San Clemente, San Manuel, at Santa Ignacia.

Pinalitan ni Cojuangco ang kanyang yumaong ama na si Charlie.

Sa isang panayam, sinabi ni Jaime na ipagpapatuloy niya ang mga proyektong nasimulan sa unang distrito para sa ikabubuti ng mga mamamayan nito.

Samantala, si Christian Yap ang bagong kinatawan ng ikalawang distrito na binubuo ng lungsod ng Tarlac at mga bayan ng Gerona, Victoria at San Jose.

Sinabi ni Yap na gagawin niya sa abot ng makakaya na maging tulay upang maibaba ang mga programa ng pamahalaang nasyunal sa kanyang distrito.

Sa kabilang banda, si Bong Rivera ang magiging bagong kinatawan ng ikatlong distrito na binubuo ng mga bayan ng Bamban, Capas, Concepcion at La Paz.

Samantala, naiproklama na din ng Provincial Board of Canvassers sina Governor Susan Yap at Vice Governor Carlito David na kapwa nahalal sa ikatlo at huling termino. (CLJD/GLSB-PIA 3)

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here