Ang panukala ni Konsehal Pamintuan
Ng Angeles city, ng isang ‘ordinance’,
Na naglalayon ng lubos pagbabawal
Sa mga ‘motorists’ ng sobra kaingay
Na ‘improvised muffler’ sa lahat ng klase
Ng sasakyan, mapa’ tricycle o kotse,
At iba pang uring ‘public utility,’
Ay inaasahang papaboran pati
Ng lahat, lalo na ng Alkalde mismo
Na tiyakang ayaw din niya ng ganito,
Kaya gayon pa lang nakasisiguro
Na rin itong lahat na papasang piho
Sa deliberasyon na isasagawa
Ng city council ang ganyang panukala,
Pagkat sa ‘improvised muffler’ ay bihira
Ang may gusto lalo na ang matatanda.
Kasi nga, bukod sa masakit sa taynga
Ay talaga namang mabubulahaw ka,
Lalo’t nataon sa ‘yong pamamahinga
Ang pagdaan n’yan sa kalapit kalsada.
Ang level ng ingay ay lalong matindi
Dahil kadalasan heavy traffic pati,
Liban sa ugong ng iba’t-ibang klase
Ng pribado’t ibang public utililty.
“Ang sobrang ingay na dulot ng mga yan
Ay di lamang nito pinabababa riyan
Ang kalidad ng trabaho’t pamumuhay
Ng marami kundi posible rin namang
Humantong sa pagkasira ng pandinig
Nitong mga tsuper sa nakatutulig
Na tunog ng ganyang ‘muffler’ na malimit
Nilang mapakinggan lalo na’t matrapik
Kasama na pati di pa naisisilang
Na posible rin namang maapektuhan,
Dahil kahit nasa sinapupunan yan
Dinig ng ingay n’yan,” sabi ni Pamintuan.
He added that apart from serious health problems
This pollutant device called modified mufflers,
Is that it can distract traffic, (likewise drivers)
Who are by excessive noise usually suffers
Irritation and that it could cause accidents
Since modified mufflers can affect the drivers
Reaction time as well as their instinct judgment
As said device are capable of masking them.
At sanhi na rin ng kaya nitong takpan
Ang ugong o ingay ng mga sasakyan,
Sa puntong yan naisipan ni Konsehal
Na ang may ‘muffler’ na ganyan ipagbawal
From travelling within the city primary
And secondary roads, kasama na pati
Mga barangay roads hangga’t maari,
Ang gumagamit ng “device’ na nasabi.
Kung saan ang multa para sa sinumang
Offenders o nag-violate ng ordinance
Ay dapat magmulta sa unang ‘offense’ niyan
Ng malaki-laki at ma-impound pa yan
At yan ay pupuede lamang na matubos
Ng may-ari kapag inalis ng lubos
Ang ‘modified muffler within 3 days period
To restore said device in its genuine mode.
Inaasahan na sa naturang lungsod
Na itong nasabing proposal ay aprub
Sa konseho kaya maipag-uutos
Na ang paghuli sa mga violators.
Oras mapagtibay ang ‘proposed ordinance’
Ni Konsehal Edu sa opis ni EdPam,
Na tiyakang suportado sa naturang
Kautusang marapat nang ipairal!!!