Nitong beinte sais ng buwan ng Julyo
Ginanap sa Heroes Hall ng San Fernando
Ang ‘formal turn-over’ sa city Dad nito
Ng isang ‘dump truck’ na galing Kapitolyo
At ang mabait na Punong lalawigan
Ng Pampanga mismo kwenta ang donor n’yan,
Sa isang simpleng seremonyang dinaluhan
Ng panglungsod at pangprobinsyang opisyal
Sa pangunguna ng butihing Governor
At ng respetadong ‘world class city mayor’
Na sinaksihan ng ilang ‘media people’
Ang payak, ngunit mahalagang okasyon
Na ‘officially’ ay namagitan kina
Mayor Rodriguez at Governor Pineda,
Na bagama’t ang partido’y magka-iba,
Di nabahiran ng kulay pulitika
Ang ugnayan nila bilang city mayor
At isang incumbent provincial governor,
Kung saan posibleng maglaban sa puestong
Hawak ng huli kung handa pang humabol.
Pero base na rin sa naging pagkilos
At mga pahayag nina Oca at Gov,
Di nakitaan yan kahit na gabuhok
Ng kung anong bagay na nakalulungkot.
Pagkat animo ay Romeo’t Julieta
Ang kahaya-hayang bagay na nakita
Ng lahat sa naging palitan po nila
Ng matatamis na ngiti at pagtawa
Habang sila lamang ang magka-agapay
Na nakaupo sa pahabang upuhan,
Sa gawing sulok ng ‘ground floor’ ng bulwagang
Pambisita ng Heroes Hall – sa harapan
Ng lahat ng mga bisitang dumalo
Bago simulan ang seremonya mismo,
Na nasundan pati ng birong totoo,
Ng Administrator, sa pagbigkas nito
Ng pasasalamat sa binigay ni Gov
Na panghakot basura para sa lungsod;
At sana aniya pa ito’y may kasunod,
Na karakaraka ay may ganting sagot:
Ng ‘oo’ kay Nanay Baby at sinabing
Ang ibibigay niya ay dadalawahin,
Upang di na gaano pang problemahin
Ng city Dad itong pagtatapon pa rin
Ng ‘solid waste’ nilang marapat hakutin
Upang itapon sa “Kalangitan Landfill”
Ang di na makayang sa Lara piliting
Mai-‘convert into pellet’ ang ‘waste’ natin.
(So far, as to what we clearly have seen with them,
We didn’t see any sign of a serious problem
That may occur if some can build a nice tandem
Like Nanay Baby and Oca, soon or later).
Kaysa iba itong puedeng makatambal
Ni Gov bilang bise niya sa daratal
Na 2013 na halalang lokal,
Para matiyak ang marapat ihalal.
Na manunungkulan sa ating gobyerno,
Partikular na nga d’yan sa Kapitolyo,
Nang di na maulit ang pangungubyerno
Nitong sa lahar ay kumita ng husto.
At sana nga’y hindi na mangyaring muli
Itong sa pagboto tayo’y magkamali,
Na kagaya r’yan ng asal ay kanduli
At animo’y mga patay-gutom lagi!