Hindi raw tambakan ng basura ang Bulacan sabi ni Gob. Joselito Mendoza sa isang praise release na ipinalabas ng kapitolyo kamakalawa.
Ano kaya ang tawag nila sa basurang naiipon sa Prenza Dam sa Marilao? Sabi nga ni Environment Secretary Lito Atienza, hindi na dam iyon, open dumpsite na.
Batay sa praise release ng kapitolyo, ang tinutukoy ni Mendoza ay ang pagtatapon ng basura mula sa Metro Manila sa mga itinayo o itinatayong sanitary land fill sa Bulacan.
Pero napigilan na kaya ng Bulacan ang talamak na sikretong pagtatapon ng basura ng Metro Manila sa mga open dumpsite sa ibat-ibang bayan sa at lungsod sa Bulacan. Ang mga kasong ito ay matagal ng inireklamo ng mga residenteng nakatira malapit sa mga open dumpsites.
Ayon pa sa praise release, dapat daw ay esklusibong basura lamang daw ang Bulacan ang itatapon sa bubuksang sanitary landfill sa lalawigan.
Kung esklusibo ang sanitary landfill sa basura ng Bulacan, nangangahulugan ba ito na puwede na sa mga open dumpsite ang basura ng Metro Manila?
Ayon pa sa praise release ni Mendoza, magpapalala lamang daw sa solid waste management ng Bulacan ang pagtatapon ng dagdag na basura sa lalawigan.
Tama. Lalo na kung hindi ipasasara ang mga open dumpsite sa Bulacan na labag sa batas, at kung hindi kakasuhan ang mga alkalde ng mga bayan na may open dumpsite.
Sinabi pa ni Mendoza sa kanyang praise release na “na hindi papayagan ng Pamahalaang Panlalawigan ang konstruksyon at pagbubukas ng landfill nang hindi naaayon sa pamantayan at alituntuning pangkapaligiran.”
Pero yung mga OPEN DUMPSITES, may feasibility study ba ang mga iyon at pumasa ba sa pamatayan at alintuntuning pangkapaligiran?
Ayon pa sa praise release, “patuloy na minomonitor ng Bulacan Environment and Natural Resources Office ang pagpapatupad ng mga bayan at lungsod dito sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”
Eh, bakit nga may mga OPEN DUMPSITES pa rin sa Bulacan? Nasaan na ang provincial solid waste management board?
Narito pa ang hirit ng kapitolyo ayon sa praise release “pinaigting rin aniya ang kampanyang “Bulacan Sinop Kalat at Luntiang Kapaligiran” para ituro sa publiko ang wastong paghihiwalay ng basura, pagreresiklo at pamamahala sa basura para zero waste.”
Kung totoong pinaigting ang kampanyang iyan, bakit marami pa ring basurang nagkalat sa mga lansangan, ilog, sapa at kanal sa Bulacan?
Sa totoo lang, maganda ang hangarin ni Mendoza sa Bulacan. Pero iba ang nilalalaman ng kanyang mga praise release sa kasalukuyang kalagayan.
Ang hinala ko ay hindi na naman napag-aralang mabuti ang paglalabas ng nasabing praise release.
Walang masama sa mga praise releases. Nagsisilbi itong lead para sa paggawa ng istorya ng mga mamamahayag. Subalit mas makabubuting tugma sa kasalukuuyang kalagayan ang nilalaman nito.
Kung hindi tugma sa kasalukuyang kalagayan ang isang praise release, ibabasura lamang iyon ng isang matinong editor dahil magiging dagdag na basura lamang ito sa pahina ng mga pahayagan.