Home Opinion Tama na, sobra na

Tama na, sobra na

1382
0
SHARE

SA GANANG sariling pananaw ng inyong
abang manunulat ay inggit lang itong
kay VP Leni ang nakadagan ngayon
sa dibdib n’yan kaya inis siya kay Digong

At kung saan pawang mga kapintasan
ang ibinabato n’yan sa Malakanyang
kaysa suportahan ang Pangulo laban
sa kampanya nito sa gamot na bawal

Maliban sa iba pa r’yang matitinding
problema ng bansa na ninanais ding
mabigyan ng lunas ng Pangulo natin
bago bumaba sa hawak na tungkulin.

Kaya lang kung ganyang imbes tulungan siya
ng kapwa opisyal sa pagsugpo niya
sa kriminalidad, may maasahan ba
si Duterte sa dami ng di kasangga?

Partikular na r’yan kay VP Robredo,
na mula’t sapol ay wala’ng kay Pangulo
naiambag sa pamamahala nito
kundi ng pagpuna at pagkadisgusto.

Ano pa nga ba ang puedeng maasahang
suporta mula kay VP Leni, kung yan
ay di nalalayo sa ating hinalang
kung pakalimiin ay nanduduro lang?

Binigyan na siya ng pagkakataon
ng gobyerno upang kanyang maisulong
ang inaakalang puedeng maitulong
n’yan sa PDEA but, does she really works for?

Kundi pamimintas, na aywan kung tunay
na siya’y kay sir Aaron nakipagtulungan,
kasi nga umpisa hanggang sa last day n’yan
in said office, anong nai-contributes n’yan?

Kundi pamimintas na lalong tumindi
at insulto itong kay Pangulo pati
binigay na ratings in his capacity
as head of state ng mababa, terible!

At kwenta 1/100% lang,
gayong libu-libong puhsers at users d’yan
ang naipakulong, ‘liban sa napatay,
na nanlaban sa ‘ting mga kapulisan.

Sa puntong nasabi ay lumalabas na
‘Poor’ si Mam sa subject na matematika;
Na ayon sa henyo sa literatura,
sa nagtapos ng law ya’y karaniwan na.

Kaya huwag na lamang nating bigyang pansin
ang ganitong klase’t mga pasubaling
di makatutulong sa gobyerno natin,
kundi pang-aasar kung pakasuriin.

At kung minsan itong di matapos-tapos
na iringan, gawa lamang nitong halos,
ng nasa gobyerno na walang inimbot
kundi sa tungkulin ay magpakabusog.

Tama na, sobra na, atin nang tigilan
ang pataasan ng lipad at ng yabang;
Alalahaning sa katungkulang tangan,
tapat na serbisyo ang kinakailangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here