MAY posibilidad na talagang mayrung
shabu’ng naipuslit sa Bureau of Customs,
na ang ‘street value’ nito di lang milyon
kundi ng mahigit pa sa anim na bilyon.
Na hinihinalang ito’y naipuslit
sa pamamagitan ng ‘magnetic lifters,
na di na-detect ng BOC officers,
gayong mabusisi r’yan ang ‘random check’.
Sa anong paraan ay nagawa nitong
‘consignee,’ na mailabas ‘yan sa Customs,
kung saan sa tungki pa mandin ng ilong
ni Lapeña nailusot sa inspeksyon?
Na kuntodo tanggi pa mandin na walang
anumang bagay na ipinagbabawal
ang sa Aduana ay posibleng magdaan
dahil mahigpit ang prosesong kailangan.
Pero ano’t itong di lang kilo-kilo
kundi ‘in tons’ na nga raw ang bigat nito
ay basta na lamang naipasok dito
nang ganyan kadali kung walang milagro?
O dahil na rin sa ang ‘consignee’ n’yan
ay ‘big shot’ ang ‘Ninong niya sa Malakanyang
kaya’t kahit sa anong pamamaraan
nagagawa nitong magpasok ng ganyan?
Kaya naman, hayan sa ubod ng dami,
‘bumaha’ ng shabu at kung saan pati
ang presyo nito ay imbes na lumaki,
ang ibinaba n’yan ay muntik dumoble.
Na hindi dapat na ikagalak natin
kahit na bumaba, di gaya ng ating
‘prime commodities’ at iba pang bilihin,
pagkat ang shabu ay pamatay ang dating.
Kung ani Lapeña ay di siya dapat
sisihin sa kanyang trabahong pumalpak,
ang PDEA Chief ay lalo hindi tumpak
na kwestyonin ang kanyang kriminilidad.
Pagkat bilang hepe ng Bureau of Customs
si Lapeña ang siyang sa lahat na roon
at loob mimo ng Aduana ang pihong
may pananagutan at di si chief Aaron
Na ginagawa lang ang kanyang tungkulin
nang walang personal niyang adhikain;
At sana itong si Isidro ganun din
nang maging maayos ang kanyang gampanin.
At kung nasabi man ni Pangulong Digong
nang una o noon, na ispekulasyon
lamang ng PDEA ang aniya’y mayroong
shabu ang magnetic lifters, tapos na ‘yon.
Dahil na- ‘established’ na ang hinggil dito,
na ang mga ‘lifters’ ay may lamang shabu
base sa ginawang inspeksyon n’yan mismo,
at pagkumpara sa nauna pa rito.
Tama na ang ‘finger pointing’ at sisihan
na wala rin namang magandang hantungan
kundi nang wala ring tigil na bangayan,
at ang apektado ay ang taongbayan.
Kung inaakala natin sa sarili
na di natin kaya – tayo’y magdimiti,
at di kung kanino natin isisisi
ang kapalpakan na di makabubuti!