Ayon kay Taiwan Economic and Culture Offi ce Ambassador Gary Song-Huann Lin, ang nasabing donasyon ng bigas
ay simbolo ng pagkakaibigan at suporta ng Taiwan sa mga Filipino.
Namahagi ang WLFD ng 4,000 sako ng bigas na may timbang na 10 kilo bawat sako, kasama ng kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na grocery items sa Bulacan Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (BFJODA), Integrated Federation Tricycle Operators and Drivers Association of Bulacan (TODA), persons with disabilities (PWDs), veterans, solo parents, senior citizens at mga Dumagat.
Binigyang diin din ng ambassador ang mga pagkakatulad ng Pilipinas at Taiwan sa kultura gaya ng pagtulong, pagmamalasakit at pag-aaruga sa kapwa.
Nagpapasalamat daw ang Taiwan sa Pilipinas dahil nasa 110,000 OFWs ang kasalukuyang nagtatrabaho doon na malaking ambag sa pagpapalago ng kanilang ekonomiya.
Samantala, nagpahayag naman ng kasiyahan, pagkasabik at pagmamahal sa mga Bulakenyo si WLFD President Eng-Chi Yao at inimbita pa ang mga ito na bisitahin ang kanilang bansa.
“We are brothers and sisters, though this is the fi rst time WLFD send rice donation here but as long as you need us we will help. We would also like to call for more people to work out for peace, justice human rights and freedom,” wika ni Eng-Chi Yao sa pamamagitan ng interpreter.
Ayon naman kay Bulacan Gov. Willy Sy Alvarado, “hindi lang bigas kundi pagmamahal ang tinanggap ng Bulacan mula sa Taiwan”.
Ito na ang ika-apat na taon ng pagmamahagi ng bigas na tinawag na “Love from Taiwan” na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.