Tahimik na binyagan para kay Baby Letizia

    377
    0
    SHARE
    Kung gaano ka-well-publicized ang grand wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30, 2015 ay siya namang ka-pribado ang binyag ng kanilang first born na si Ma. Letizia.

    Ganap nang Kristiyano ang baby ng mag-asawang Dindong at Marian pagkatapos ng very private christening ni Baby Letizia sa St. Alphonsus Mary de Liguori sa Magallanes Village, Makati City.

    Ilan sa mga tumayong godparents ni Baby Letizia ay sina Sen. Grace Poe, Ai-Ai de las Alas, Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, Ana Feleo, Bettina Carlos, Roxanne Barcelo, Oliver Amoroso, ang events coordinator na si Teena Barretto at iba pa.

    Habang lumalaki si Baby Letizia ay lalong lumilitaw ang pinaghalong mukha ng kanyang parents. Ang mata at forehead niya ay kuha sa kanyang ama habang ang ilong at bibig sa kanyang ina.

    Samantala, ngayong magti-three months old na si Baby Letizia ay babalik na si Marian sa “Sunday PinaSaya” sa darating na Linggo at malamang na magsimula na rin ito sa isang bagong teleserye sa bakuran ng GMA.

    May apat na buwan ding nagbakasyon ang GMA Primetime Queen sa Sunday show nang siya’y magmaternity leave sa programa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here