Tagumpay ng Bulacan sa CLRAA ipinagbunyi
    Angeles pumangatlo sa overall ranking sa high school division

    404
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagmalaki ng mga opisyal sa Bulacan ang pagiging disiplinado ng mga manlalarong Bulakenyo ng masungkit nito sa ika-limang sunod ang pangkalahatang kampeonato sa taunang Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) na isinagawa sa Zambales noong nakaraang linggo.

    Ang Bulacan provincial schools division ay humakot ng kabuuang 499.5 puntos, kasunod ang Pampanga (358), Olongapo City (247.91 points).

    Sa lahat ng schools divisions, ang Lungsod ng Angeles ang nagpakita ng malaking improvement matapos nitong masungsukit ang ikatlong puwesto sa overall ranking sa High School division.

    Ang taunang palaro ay nahahati sa Elementary at High School Division.

    Sinabi ni Dr. Edna Zerrudo, ang division superintendent ng Department of Education (DepEd) sa Bulacan, na ang muling pamamayani ng mga manlalarong Bulakenyo sa taunang palaro ay dahil sa disiplina ng mga manlalaro at suporta ng mga pamahalaang lokal.

    Binigyang pansin din niya na ang pagiging malapit ng Bulacan sa kalakhang Maynila kung saan ang mga manlalaro at kanilang mga tagapagsanay ay nagkakaroon ng pagkakataon na makipagsagupa para sa mga tune up games.

    Sinabi pa ni Zerrudo na hindi rin maitatanggi ang pagiging mahusay ng mga manlalarong Bulakenyo na sinangkapan pa ng suporta ng mga pamahalaang lokal katulad ng kapitolyo.

    “Very supportive si Gob. Alvarado, lalo na sa pagkain ng mga manlalaro at buong delegasyon,” ani Zerrudo.

    Para naman kay Alvarado, sinabi niya na karangalan ng lalawigang ang dala ng mga manlalaro sa tuwing makikipagtunggali.

    Binigyang pansin din niya na lubhang mahalaga ang disiplina ng mga manlalaro para sa kabuuang pagkatao ng mga ito. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here